Chapter 37

142K 2.5K 144
                                    










"Magpapahinga na ako"





Matapos niya kong tulungan na alisin yung mga kung ano anong kinapit ko sa wall ng condo unit ko na mga formula at equation para sa pagrereview ko bigla akong nakaramdam ng antok.







"Ayusin ko lang yung hihigaan mo" At pumasok na siya ng kwarto ko. Pinanuod ko lang siya sa ginagawa niya. Hindi ako pwedeng magpakita na kinikilig ako. Kailangan kong paglabanan ang ginagawa niyang pagpapakilig.






"Hindi ka ba talaga nagugutom Mahal ko?"





"Ok lang ako Mark Ethan"





Kahit pakiramdam ko tumilapon yung puso ko sa sinabi niya. Yung paraan ng pagkakasabi niya ng "Mahal Ko" ang hirap na hindi ngumiti. Bakit ba ganyan ka?








"Pwede ba akong matulog sa sala? Kahit ilock mo yung pinto ng kwarto mo kung sakaling nag aalala ka na baka pumasok ako habang tulog ka.Pero sana pumayag ka. Hindi din naman ako makakatulog sa kwarto ko. Atleast sa sala mo. Pinto lang ang pagitan nating dalawa. Pag kailangan mo ako madali lang akong makakapunta. Nakikiusap ako"









Napatango na lang ako. Hindi ko alam kung matatagalan ko ang ganitong sitwasyon. Ang hirap. Yung ang cute cute niya habang nakikiusap. Parang ang sarap pisilin ng pisngi niya. Parang ang sarap kagatin ng ilong niya. Ito ba yung tinatawag nilang paglilihi? Pero bakit kay Mark Ethan pa? Paano ako iiwas sa taong gustong gusto kong panggigilan?







"Ok pwede kang matulog dun"








Umalis na ako sa harap niya. Para iiwas ang sarili na kurutin siya. Mamaya na lang pag tulog siya. Tama. Sasalisi ako sa kanya.










"Bukas pwedeng pumunta tayo sa bahay namin? Gusto ko lang sabihin sa magulang ko ang sitwasyon mo. Para makahingi na din ng tulong. Para makausap mo na din si Mommy kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawain o kainin." Lumapit siya sa akin at inayos kumot ko. Hinalikan niya ako sa noo. Umiwas na lang ako ng tingin. Sabagay sa pisngi at labi lang bawal. Ang adik lang ng lalaking ito. Hinaplos niya ang tiyan ko. "Iingatan ko kayo ni Baby. Sorry ulit kung pinangunahan kita. Mahal na Mahal kita. At si baby ang ebidensiya. Nabuo siya dahil sa sobrang mahal kita. Mali nga lang ako ng paraan na ginamit pero ganun pa din naman ang mangyayari. Magkakababy pa din tayo. Ikaw pa din ang makakasama ko sa pagtanda ko. Sobrang Mahal kita."







"Tama nga si Daddy. Yang sobrang pagmamahal mo ang magiging problema natin"









"At ang sobrang pagmamahal ko sayo ang bumubuhay sa akin"







Seryoso niyang sabi. Tumalikod na lang ako sa kanya.







"Matutulog na ako Mark Ethan"









Pinakiramdaman ko na lang ang kilos niya. Ang mabagal niyang paglabas ng silid ko. Ang mahina niyang pagsara ng pinto ng kwarto ko. Ilang araw akong makakatagal sa sitwasyon namin? Ang lakas ng loob ko na sabihin na bawal ang yakap o halik pero ngali ngali ko ng bumigay sa pagpapakilig niya. At wala pang isang araw yun.







Kinabukasan nagising ako na may handa na siyang almusal para sa akin. Para sa akin lang.







"Baka kasi ayaw mo akong makasabay kumain. Baka mawalan ka pa ng gana. Kaya masaya na ako na makita ka na nabubusog"








Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Kahit medyo masakit sa dibdib yung kinikilos niya. Kasi alam ko na nahihirapan siya. Yung kailangan na isipin niya ako lagi at ilayo niya yung sarili niya. Hindi naman ako ganun kagalit na para umiwas talaga siya. Pero hindi ko na mababawi yung mga kondisyon ko sa kanya.







Pagkakain ay pinaalala niya na pupunta kami sa bahay nila. Kaya inayos muna niya yung gagamitin ko sa pagligo bago siya umuwi sa unit niya para mag ayos din ng sarili. Pagkatapos kong maligo at magbihis andun na siya sa Sala paglabas ko ng kwarto. Hindi agad nga niya napansin na andun na ako. Parang malalim ang iniisip niya. Parang ang lungkot lungkot niya. Kanina naman nakangiti pa siya. O pinipilit lang niya na masaya siya pagkaharap ako? Nung lumingon siya sa direksiyon ko parang automatic na ngumiti siya.







Umuna na siya sa paglabas ng unit ko para ipagbukas ako ng pinto. At paglabas ko nakalahad na yung kamay niya. Hindi ko alam ang ikikilos ko kasi nasa isip ko pa din yung itsura niya kanina.








"Bawal din ang Holding Hands?"








Mahinang tanong niya. Agad ko namang pinatong ang kamay ko sa nakaabang niyang kamay. At yung ngiti niya. Alam ko na hindi yun kunwaring ngiti lang.









"Pwede ang halik sa noo. Pwede ito" Itinapat niya ang mga kamay namin sa tapat ng puso niya. "Sana sa bawat araw madadagdagan yung mga pwede. Sana bago lumabas si baby ok na lahat. Hindi naman nagbago di ba? Mahal mo pa din ako di ba?"










"Wala sana ako dito kung hindi kita Mahal Mark Ethan" Hinaplos ko ang mukha niya. Yung kagabi ko pang gustong hawakan. "Huwag mo masyadong ilayo ang sarili mo Mark Ethan kasi baka masanay ako. Na ok lang na wala ka. Kaya umayos ka"






"Yes Master"








Pinisil ko ang ilong niya bago ako lumayo sa kanya. Ang cute talaga ng ilong niya. Bakit ba ang gwapo gwapo mo? Hinaplos ko ang tiyan ko. Baby ang gwapo ng Daddy mo.







_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon