Chapter 15

227K 3.8K 453
                                    

Nagising kami kinabukasan mga alas diyes na ng umaga. Hindi din naman ako makaalis sa pagkakayakap niya. At ayaw ko din namang kumalas. Ngayon pa ba? Paglabas namin ng kwarto niya may mga tao dun. Sa sobrang gulat ko nagtago ako sa likod ni Mark Ethan. Buti na lang pala na nakapag ayos na kami ng sarili bago kami lumabas ng silid niya. Nakakahiya.









"Mom! Dad!"








Mahigpit ang pagkahawak sa akin ni Mark Ethan. Hindi ko alam kung para saan ba yung higpit ng pagkakahawak niya. Para ba hindi ako tumakbo pabalik ng kwarto niya o para hindi ako umalis sa likod niya para magpakita? Pero hindi ko din naman gugustuhin na umalis sa likod niya.









"Kanina pa namin kayong hinihintay lumabas."






Seryosong sabi ng Daddy niya. Nakakatakot. Hindi naman sa ganitong sitwasyon ko gustong makilala ang pamilya niya. Nakakahiya. Siguro nakita nila ang ayos namin kanina sa kwarto ni Mark Ethan. Magkayakap sa ilalim ng kumot.







"Dad.."




"Anong pangalan mo Anak?"





Hindi ko namalayan na nasa tapat ko na ang Mommy ni Mark Ethan. Mukha naman siyang natutuwa sa pagtatanong niya. At ang ganda ng Mommy niya.








"Ahm.."







Nagulat ako ng bigla na lang niya akong hinila palayo kay Mark Ethan at niyakap niya ako.






"Pagkagandang bata!!"










Hindi ko na nagawang sabihin ang pangalan ko sa higpit ng yakap niya. Nakakatuwa ang Mommy niya. Ang Cool. Bakit nagkaanak siya ng kasing suplado ni Mark Ethan?









"Mom!!"










Hinila ang ni Mark na makalayo sa Mommy niya. Yumuko lang ulit ako.








"Siya ba ang kasama mo nung pinasara mo ang Mall? Huh Mark?"







Sa Daddy niya ata nagmana si Mark Ethan. Nakakatakot ang pagiging seryoso niya. At infairness mas gwapo ata ang Daddy niya sa kanya. Bagay na bagay silang mag asawa.








"Yes Dad"







"Anong problema mo Ethan? Tingnan mo naman ang kinalolokohan ng anak natin. Ang ganda ganda. Kahit ata yung kumpanya ok lang ipasara kung sasagutin naman ang anak natin"







"Janine.."







"Magtigil ka nga. Ngayon lang ako nakakita ng babae na kasama nga anak natin. Nawala tuloy ang pagduda ko na bading siya"







"Mom!"






Kung hindi siguro ako kinakabahan baka humagalpak ako ng tawa. Si Mark Ethan? bading? Hindi ko maimagine.







"Tara na kumain na tayo. Hayaan niyo ang Daddy niyo."








Iginiya na ako ni Mark Ethan sa may lamesa. At madaming pagkain silang dala. Masyado ba nilang namiss si Mark Ethan?







"Gaano na ba kayo katagal Ineng?"







Medyo nagulat ako sa tanong ng Mommy niya. Gaano katagal? Nakakahiya namang sabihin na kagabi lang kami nagkalinawan? Tas may nangyari na agad sa amin? Ano na lang iisipin nila?







"Almost Three Years."







Mas nagulat ako sa sagot ni Mark Ethan. Kaya napalingon ako sa kanya. Ganun na kami katagal? Bakit hindi ko alam?









"ganun na katagal? at bakit parang gulat na gulat ang girlfriend mo? Hindi ba niya alam?"









"Hindi lang malinaw sa kanya. Pero ganun na kami katagal"









Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Yung paraan ng pagtitig niya nakakatunaw.










"ikaw lang pala ang may alam na kayo? Manang mana ka sa Daddy mo talaga. Ang hilig sa patago"







"Janine.."







Iiling iling yung Daddy niya. Pero nakangiti na. Hindi katulad kanina na seryosong seryoso siya.








"Anong course mo Hija? Tapos ka na ba?"






"Mechanical Engineering Sir. Graduating po."







"Parehas pala ng sa anak ko. Pag nakapasa ka sa Board. Bakit hindi mo itry sa company namin?"








"Pero Sir,, nakakahiya po






"at bakit ka mahihiya? Alam ko naman na ikaw na para sa anak ko. Minsan lang kami magmahal. Kaya bakit hindi mo pag aralan ang pamamalakad ng kumpanyang magiging sa inyo din naman banda banda diyan?"









Kanina nakakatakot ang Daddy niya pero sa mga sinabi niya parang nawala lahat ng kaba ko. At yung sinabi niya na naniniwala siya na kami na talaga. Nakakataba lang ng puso.












"Dad, Mom Huwag niyo namang ipressure masyado tong girlfriend ko"








Girlfriend? So Official na? Tayo na talaga Mark Ethan?








"Eh kung dati mo pa siya pinakilala eh di hindi mabibigla ng ganyan"








"Eh di nawala ang atensyon niya sa akin Mommy? Selfish ako Mom. Akin lang ang Mahal ko"










MAHAL?!! Kung wala sigurong ibang tao baka nagtatalon na ako. Kanina Girlfriend? Tas ngayon Mahal? Eh bakit sa Harap ng magulang lang niya sinabi lahat? Totoo ba lahat yun? Umayos ka Mark Ethan. Nakakamatay ang sobrang kilig.










_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon