Chapter 4

307K 4.1K 221
                                    

Matapos naming kumain, agad kong inayos ang sarili ko at nagpaalam na uuwi sa unit ko. Siguro hindi nya din inaasahan na uuwi ako kaya nde na sya nakapagsalita pa bago ako lumabas ng unit nya.

Nung mga unang linggo namin sa ganitong set up,hindi hindi nya ako pinapayagan talaga na umuwi. Kahit anong dahilan ko dati ayaw nya akong pakinggan,nitong mga nakaraan hindi na siya ganun kahigpit, o baka nagsasawa na din siya. Baka naghihintay na lang siya ng pagkakataon para sabihin na hindi na niya ako kailangan. Na wala na siyang pakinabang sa akin. Sabagay sino nga bang lalaki ang magseseryoso sa ganitong sitwasyon? Pumayag akong kunin nya ang lahat lahat ng hindi ko alam kung may patutunguhan ka ba kami, ni wala siyang sinabi kung gusto niya ba ako, sinong lalaki ang magseseryoso sa isang babae na nadadala na lang basta ng isang halik. Sa isang halik lang naman talaga nagsimula ang lahat, sa isang halik na kung saan saan napadpad. Siguro ang baba baba ng tingin nya sa akin. Na kahit siguro magkalisensya ako hindi mabubura sa isip niya na ang dali dali kong makuha.

Masakit. Hindi dahil sa mga luhang isa isang nag uunahan sa mata, masakit na hindi ko maipaliwanag kung anong meron sa dibdib ko. Yung ideya na wala talagang pag asa na magugustuhan niya ako ay labis na nagpapaguho ng pagkatao ko.

Hindi pa man ako nagtatagal na nakahiga sa kama ko ay nakita ko na tumatawag siya sa akin. Naka sielnt ang phone ko pero hawak ko naman ito kaya kita ko ang gwapo nyang mukha na nagrehistro sa screen ng cellphone ko. Hindi ko sinagot yun. Isipin na niya na tulog ako. Pero ano nga bang aasahan ko kay MARK ETHAN? Hindi siya titigil hanggat hindi ko yun sasagutin. Sa palima niyang tawag, saka ko lang sinagot siya. Yung pinahalata ko sa pag hello ko na tinatamad akong kausapin siya.

"I'm sick"

Medyo napakunot naman ako sa sinabi niya. May sakit? Parang kanina naman wala. Oo mainit siya pero sigurado ako na hindi init yun ng dahil sa nilalagnat siya.

"Maaga pa ako bukas"

Engineering student ako. Hindi ako ang kailangang niya kung totoo man na may sakit siya. Anong alam ko diyan? Kung yung sakit nga ng puso ko hindi ko magawang pagalingin.

"Umuwi ka na"

Mahinang sabi niya. Ayan na naman yung pagsasalita niya na kahit kailan hindi ko matanggihan. Umuwi? Iniisip niya ba talaga na pag aari na niya ako? Na sa bahay na niya ako nakatira? Yung tipong siya talaga ang boss? Sabagay MASTER ko nga pala siya.

"uuwi ka o ako ang pupunta diyan?"

Napatayo ako bigla sa sinabi niya. Agad kong pinutol ang tawag niya Nakakakaba yung binabalak niya, baka kung anong pambubulabog ang gawin niya. Ayaw ko ng sumugal sa kung ano niyang gawin, matagal naming nailihim ang sitwasyon namin kaya hanggat maari kailangan kong mag ingat. Kasi sa sitwasyon namin kung sakaling magkabukingan, ako lang naman ang kawawa, ang talo.

Pagkapasok ko sa unit niya agad ko siyang pinuntahan sa kwarto niya. Kailangan nga ba niya ako binigyan ng duplicate key ng unit niya? Nung matapos yung two months contract namin as master-slave. Kontrata lang sa school, kasi lingid sa kaalaman ng iba nagpatuloy pa din na Slave niya ako. Agad kong hinawakan ang noo niya, nadatnan ko siyang nakahiga sa kama niya.

"wala ka namang lagnat. asan ang thermometer mo?"

"bakit pa?"

"para masigurado ko kung may lagnat ka nga. Para kung wala, uuwi na ako."

Pagalit siyang tumingin sa akin. Siya pa ang may ganang magalit? Eh sino ba ang nang iistorbo? May klase pa ako bukas, kaya wala akong panahon para sa panloloko niya.

"kailangan mo talaga makita na nilalagnat ako? na makita kung mainit ako? Hindi lahat ng nakikita mo yun ang paniniwalaan mo. Baka nakakalimutan mo na sa mas mainit ang steam sa kumukulong tubig."

Tinalikudan na niya ako. Napaisip aa sinabi niya. Tama nga na mas mainit ang steam sa kumukulong tubig, tama na hindi natin nakikita ang steam kasi singaw nga lang siya. Pero Mark Ethan yun nga ang masakit, yung mga bagay na hindi ko alam.

Lumabas ako ng kwarto niya at naghanap ng parang gamot sa parang sakit niya. Nung tangkang papainumin ko siya ay tinanggihan niya. Seryoso pa din siya. Sabagay kailan ba hindi siya seryoso?

"Hindi naman yan ang gamot sa sakit ko"

"ano ba kasing sakit mo? saan ba masakit?"

"dito"

Hinawakan niya ang kamay ko at itinapat iyon sa dibdib niya.

"ang kailangan mo espesyalista para diyan."

"hindi ko kailangan ng doctor na gaya ng sinasabi mo"

Brokenhearted siya? Sino namang babae ang mananakit sa damdamin mo Mark Ethan? Parang dumoble ata yung sakit ng dibdib ko sa kaalamang nasasaktan siya para sa iba. Hinila niya ako palapit sa kanya. Inaayos ko lang pwesto ko para maging maayos ang pagkakayakap niya sa akin.

"dito ka lang"

Mahinang sabi niya. Ayaw kong tingnan ang mukha niya. Baka hindi ko kayanin lalo na makita siya na nasasaktan para sa iba. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. May isasakit pa pala, akala ko todo na yung sakit na naramdaman ko pero may isasakit pa pala. Yung dahilan kung bakit ka nasasaktan ay nasasaktan din pero dahil ng ibang tao, ng ibang babae. Akala ko naibigay ko na lahat sa kanya. Akala ko sapat na yun para hindi na siya tumingin sa iba. Akala ko lang pala. Sa huli malinaw na katawan ko lang talaga ang habol niya. Na simula pa lang wala na siyang balak na mahalin ako, o kahit pag aralan mang mahaiin. At ang sakit sakit lang.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon