Chapter 35

139K 2.4K 301
                                    














"Alam mo para kang naglilihi"








Pabirong sabi ni Myka. Kaklase ko at kasama din sa Review Center. Nitong nakaraang mga araw kasi kung ano ano ang naiibigan kong kainin. Yung mga hindi ko kinakain dati sarap na sarap ako. Pero imposible ang sinasabi niya.Dahil lang to sa kaba ko sa nalalapit na Exam. Wala na halos dalawang buwan.





"Yung halos ubusin mo yung tindang kalamares diyan sa baba nung isang araw. Yung parang sarap na sarap ka. Eh hindi ka nga halos namin mapakain nun sa school. Tapos ngayon anong hinihingi mo?"









"Manggang hilaw na may alamang"







Medyo wala sa sarili na nasabi ko. Posible nga ba ang sinasabi niya? Pero hindi pwede yun. Hindi pumapalya si Mark Ethan sa pagpapainum nun sa akin. At hindi maari na mabuntis ako kasi sobrang puyat at pagod ko nitong nakaraan. Kaya hindi pwede.










"Pero imposibleng mabuntis ka. Kasi kakasagot mo lang kay Kuya Mark. Ang bilis naman na may nangyari agad sa inyo? Hindi ikaw yan"







Tama nga siya. Hindi ako yun. Hindi yun ang pagkakilala nila. Pero wala naman silang alam sa set up namin ni Mark Ethan. Ito ba ang kinatatakot ni Mark Ethan? Kung bakit siya naiyak nung isang gabi? Ito ba yun? Pero paano? Hindi naman ako pumapalya sa pag inun ng pills. Nitong pahuli nga si Mark Ethan mismo ang nagppainum nun sa akin. Medyo natigilan ako. Posible ba na iba na ang pinapainum niya? Kaya posible na buntis ako? Hindi. Hindi pwede.








"Myka alis muna ako. Baka hindi na din ako pumasok maya"






Hindi ko alam kung paano ko nasabi yun ng hindi niya nahahalata na maiiyak na ako. Paglabas ko sa review center sa drug store agad ako dumiretso. Kahit nakakahiya na bumili ng Pregnancy Kit kailangan ko yung gawin. Mga tatlong magkakaibang brand ang binili ko. Para makasiguro. Nakakahiya sa makakakita. Lumabas ako sa Review center tapos Pregnancy Test ang ipapasa ko? Sana hindi. Hindi dahil sa ayaw ko. Pero paano ang mga pagpupuyat ko nitong nakaraan? Paano kung may buhay nga sa sinapupunan ko? Kaya hindi pwede. Diyos ko sana po hindi.




Sa unit ko agad ako dumiretso. Agad kong binasa kung paano ito gagamitin. Itong bagay na to na wala sa hinagap na gagamitin ko sa panahon na to. Sabi nila sa umaga daw dapat gamitin ito. Pero hindi na ako makakapaghintay ng umaga. Mag iiwan na lang ako ng isa para bukas. Pero kailangan ko ng gawin to ngayon.





Dalawang Linya.




Shet. Hindi sa ganitong sitwasyon ko gustong malaman na nagdadalang tao ako. Yung ang sakit sakit sa dibdib. Yung hindi ako makahinga. Yung hindi ko mapigilan ang mga luha ko na nag uunahang pumatak. Hindi dapat ganito. Dapat masaya ako kasi si Mark Ethan ang Ama ng anak ko. Pero tuwing iniisip ko yung pagdodomina na ginawa niya sobrang nasasaktan ako.






Nakakapagod na. Akala ko yung tatlong taon na yun ok na. Yung immune na ako sa sakit pero bakit ngayon ang sakit sakit pa din? Bakit kailangang pangunahan niya ako?Bakit kailangang balewalan niya ako? Bakit kailangan niya akong alisan ng pagkatao? Bakit kailangang gawin niya akong tanga ng paulit ulit?




Mahal ko siya. Mahal niya ako. Malinaw naman yun pero kailangang gawin niya ito? Mukhang tama siya sa ikinatatakot niya. Kasi sa nararamdaman ko ngayon parang ayaw ko na siyang makasama. Nagtapos ako ng pag aaral hindi para magpakatanga ng paulit ulit.





Mark Ethan isang taon lang ang hinihiling ko sayo. Ito lang ang pagkakataon ko na kumuha exam. Pero mukhang imposible na. Hindi na ako makakapagreview ng maayos. Hindi na ako makakapagpuyat. Hindi ko na magagawa lahat ng yun. Ayaw kong isakripisyo ang kalagayan ni Baby. Kaya pala ayaw mo agad na magfile ako para sa exam. Kasi alam mo na hindi ako makakakuha. Ang talino mo talaga. Ginawa mo akong tanga. Salamat sa makasariling pagmamahal mo. Pwedeng ako naman ngayon? Ang maging makasarili? Yung ako na lang muna. Kasi hindi ko talaga kaya na makasama ka. Hindi ko kaya na makita ka. Hindi ko kaya na makaharap ka. Hindi ko kaya na marinig ang paliwanag mo. Hindi ko matanggap na minahal nga kita.






_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon