Chapter 44

122K 2.3K 97
                                    

Akala ko hindi seryoso sina Daddy sa sinasabi nila na itatakwil nila ako. Pero nung isang araw habang namimili kami ni Mark Ethan at nakipag unahan ako ng pagbabayad sa kaniya gamit ang credit card ko. Hindi ko na yun napakinabangan. Kahit yung debit card ko. Kaya sa huli si Mark Ethan din ang nagbayad lahat. Nakakahiya tuloy.

Siguro nga padalos dalos ako ng desisyon tungkol sa amin ni Mark Ethan. Hindi ko pwedeng isisi lahat sa kanya na nabuntis ako dahil katawan ko to. At alam ko na sa ginagawa namin mabubuntis talaga ako. Dapat umpisa pa lang hindi na ako pumayag na mangyari sa amin. Kaya ganito ang nangyari. Buntis ako. Galit sina Daddy. At pinutol na nila ang pagsuporta sa akin. Ang maganda lang sa sitwasyon namin stable na si Mark Ethan. Mabibigyan na niya kami ng magandang buhay ni baby. Pero paano kung hindi? Paano kung parehas lang kami na kakagraduate lang? Nganga kami banda banda diyan. Kaya mali talaga ang magpadala masyado sa pagmamahal. Yung papasok agad sa sitwasyon na hindi naman talaga dapat pasukin. Kasi kahit anong pag iingat. Malaki pa din ang posibilidad na magbunga ang lahat.


"Malamang yung condo unit naman ang sunod nilang bawiin"

Kumakain kami ngayon sa isang mamahaling kainan sa Mall kung saan din kami namili kanina.


" ok lang yun, Kasyang kasya naman tayo sa unit ko" Nakangiti niyang sabi. Na para bang hindi na nababahala sa mga ginagawa ng magulang ko. At sa mga balak pa nilang gawin. "Iniisip ko dati na pabutasan siya para maging isang unit na lang tayo. Pero naisip ko din sayang naman yung bahay na pinatayo ko para sayo kung sa condo tayo titira? Kaya yung pera na dapat ilalaan ko sa pagrerenovate ng condo, ioopen ko na lang ng account mo."

"pero hindi mo kailangang gawin yun Mark Ethan."

"Regalo ko yun kay baby. Since wala pa siyang pangalan at na sayo pa siya kaya sayo ko muna ipapangalan yun. Para mabili mo ang gusto mo. Alam ko naman na mahihiya ka lang na humingi sa akin. Kaya sa pera niyo ni baby gawin mo lahat. Bilhin mo kung anong gusto mo. Hindi sa natutuwa ako sa ginawa ng Daddy mo. Alam ko na way niya yun para ipakita na seryoso siya sa pagtatakwil sayo. Pero iba ang dating sa akin. Na parang pinapaubaya ka na niya talaga sa akin. Inalisan ka niya ng sustento kasi alam niya na kayang kaya ko namang ibigay yun sayo. "


"Matagal ka ng nakapagpatayo bg bahay?" Kesa makipagtalo sa binabalak niya na alam ko na hindi din ako mananalo. At tama naman siya na mahihiya lang ako na humingi sa kanya lagi.


"Two years ago ko siya sinimulan na pag ipunan. Tas nung isang taon natapos siya."

"Pero bakit? Hindi ba dapat sa edad mo mamahaling kotse ang pinagkakaabalahan mo?"


"Kasi everytime na magigising ako sa umaga na hindi ka katabi at umuuwi ka sa unit mo. Sobrang nalulungkot ako. At ayaw ko na maging ganun ng matagal. Na darating yung panahon na hindi ka na aalis sa tabi ko. Na hindi ka na uuwi kasi nasa sariling bahay mo na ikaw. Kaya para mangyari yun. Kailangang may bahay muna akong maibibigay sayo. Kaya ayun"


Yung mga unang buwan ng pagiging slave ko sa kanya. Na sa bawat gabi na may mangyayari sa amin maaga akong aalis kinabukasan. Kasi ayaw kong umasa noon na may something na kami. Ayaw kong magising sa tabi niya at isipin na panaginip lang lahat ng nangyari kinagabihan. Mahirap yung sitwasyon namin noon. Nung torpe pa si Mark Ethan ko.


"Akala mo lang ikaw yung alipin sa ating dalawa. Pero hindi mo lang kasi alam kung paano ako naging sunod sunuran sayo. Yung tipong plinano ko na din ang buhay ko na kasama ka."

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Bahagya niya itong pinisil.


"Kaya nga andito ako kasama mo Mark Ethan." Ngumiti lang din ako sa kanya. Ayaw ko munang isipin kung anong problema namin. Pag nagkausap na siguro ang parents namin magiging maayos ang lahat. "Kasi alam ko na tama lahat basta kasama ka"

"Pag lumabas na si baby. Wala na akong mahihiling pa. Kasama ko ang babaeng pinakamamahal ko at ang bunga ng pagmamahalan namin" Medyo naging emosyonal ito ng kaunti. Medyo para kasing pumiyok kasi ang boses niya. Medyo namumula ang mata niya ngayon. Ang totoo Mark Ethan? Ang daming tao baka isipin nila na pinapaiyak ko ang gwapong katulad mo.


"Ok lang sayo na hindi muna talaga tayo magpakasal?"


Bahagya nitong pinunasan ang mga mata niya. May namumuong luha na kasi. Napaka emosyonal mo talaga. Kaya nga hindi ko mapigil ang sarili ko na mahulog sayo ng paulit ulit.

"Kahit sabay na lang ng binyag ni baby. o kahit pag lumalakad na si baby. O kahit pag malaki na si baby at may kapatid na. Kasi mas mahalaga na kasama kita, na mahal mo ako. Na sobrang Mahal kita. Yung kasal napaghahandaan. Nakakapaghintay. Ayaw kong irisk yung chance na ipilit na makasal tayo tapos lalayo ka. Kaya makakapaghintay ako sa Kasal natin"

"Tutupadin ko pa din yung gusto ni Daddy" Tumango lang siya. " Kahit yun man lang makabawi ako. At sayo lang naman ako eh. Ikaw lang naman balak kong pakasalan banda banda diyan. Kaya sana nga seryoso ka na hihintayin mo ako"

"Kailan ba ako hindi naging seryoso sayo? Seryosong Mahal kita. Seryosong hihintayin kita." Dinala niya yung kamay ko malapit sa labi niya at masuyo yung hinalikan. "Seryosong ikaw lang din naman makakapagsaya sa akin. Kaya kahit gaano pa yang katagal. Handa lang ako laging magpakasal"

Hinila ko siya palapit sa akin. Kaya ang ginawa niya umupo na siya sa tabi ko. Yumakap na lang ako sa kanya. Kahit madaming tao pa na makakita sa amin. Ako pa ba ang mahihiya? Eh ang niyayakap ko ay yung lalaking mahal na mahal ko at sobra sobrang pagmamahal din ang binibigay sa akin. At ako lang naman ang makakayakap sa kanya kasi para sa akin lang si Mark Ethan.


_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon