Chapter 38

144K 2.5K 177
                                    






Pagkarating namin sa bahay nina Mark Ethan nakaabang na agad yung Mommy niya. Ang ganda talaga ng Mommy niya. Ang kwela lang. Paano kaya naging sila eh ang seryoso ng Daddy ni Mark Ethan?








"Nung tumawag ka kagabi anak kinabahan na ako kung anong sasabihin mo. Ang seryoso mo kasi. Pero dahil kasama mo naman ang maganda mong Girlfriend medyo nakahinga na ako ng maluwag na wala kayong problema"






"Good Morning Tita"






Yumakap ako sa kanya. Kung ano man ang ginagawa kong pagpapahirap kay Mark Ethan labas dun ang parents niya. Hindi ko sila pwedeng idamay. At isa pa hindi naman magtatagal ang ganitong sitwasyon.










"Lalo ka atang gumanda anak" at giniya na niya ako papasok ng bahay nila. May mga nakahanda na silang pagkain dun. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom. Konti lang ang kinain ko kanina kasi hindi ko kasabay si Mark Ethan. "Hiyang ka sa anak ko"







"Siguro nga po Tita"







Nakatingin lang si Mark Ethan sa amin. May pagkakataon na nahuhuli ko siyang napapangiti na lang. Siguro natutuwa siya na magkasundo kami ng Mommy niya.











"Parating na din maya ang Daddy niyo" Medyo sumeryoso ng kaunti ang Mommy niya " Ano ba yung sasabihin niyo?"








Hindi ko alam kung ako ba ang kailangang magsabi o si Mark Ethan. Paano ko sasabihin? Nakakahiya pa din na hindi kami kasal pero nagpabuntis ako. Medyo uso na siya ngayon pero ayaw ko pa din na bumaba ang tingin ng pamilya ni Mark Ethan sa akin. Wala pa akong napapatunayan.





"Magiging Lola ka na Mommy"









Mahinang sabi ni Mark Ethan. Hindi ko na din nagawa pang umiwas ng tingin nung hawakan ng Mommy niya ang kamay ko. Medyo naluluha na siya. Alam ko na masaya siya sa sinabi ni Mark Ethan.










"Totoo ba? Magkakaapo na ako?" Yumakap na siya sa akin " Kahit medyo bata pa ako para maging Lola ok lang. Alam mo naman kung gaano kita kagusto para sa anak ko"








"Salamat po Tita"






Hindi ko na maiwasan na hindi maluha din. Sobra sobrang pagtanggap na yun. Kung tutuusin ay hindi siya dapat ibigay sa akin kasi pinapahirapan ko ang anak nila.








"So kailan ang Kasal?"








"Sinong ikakasal?!"






Bago pa man kami makasagot ni Mark Ethan ay hindi namin namalayan na andun na yung kapatid niya. Si Miss Nyah. Bago pa makahuma si Mark Ethan ay nasapak na niya ito.









"May utang ka pang sapak sa akin dahil sa pagtatago na may Girlfriend ka na" Kakamot kamot lang ng ulo si Mark Ethan. Syempre hindi naman siya makakaganti dito bukod sa kaharap ang Mommy niya ay kaharap pa ako. "Ikakasal ka na brother? Uunahan mo ako? May kasunduan pa tayo. Pag inunahan mo ako bibhin mo yung kotse na gusto ko"










"Kahit anong model pa yan Ate bibilhin ko." Seryosong sabi ni Mark Ethan "Kaso mukhang mauuna ka pa din kasi hindi pa kami magpapakasal dalawa. Kailangan kong pagbayaran ang kasalanan ko sa kanya. Kailangan kong maghintay kung kailan niya ako papakasalan"











"Bakit? Anong nangyari? Anong kasalanan ng anak ko?" Seryosong tanong ng Mommy niya sa akin. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.










ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon