Chapter 45

128K 2.4K 202
                                    


Mahabang Author's Note:

Ang totoo kung sa plano ko sa story na to dapat hindi ganito ang nangyayari. Dapat malayo na si Unknown Girl at POV na ni Mark Ethan ang Chapter 36 onwards. Pero nung nareveal na buntis si Unknown Girl, hindi ko kinaya ang bugso ng comment. Ang bugso ng damdamin niyo. Nagulat ako at hindi ko napaghandaan. Ni wala pa akong naisip na susunod. Kaya nagkasakit ako. Na tinatawanan ako ni Ela (DeMisse) kasi ako lang daw yung kilala niya na nagkakasakit dahil sa sinusulat. Ang cute daw. Kaya hindi din ako pwede ng araw araw ng update. Kaya hindi ko din kaya ng tragic na ending. Ang kulit lang di ba? Sa mga nangyayari sa All of ME, mahirap po talaga na isipin kung ano ba ang pinaglalaban ng story na to. Madami akong dapat iconsider. Kaya ang makabasa ng mga bagay na parang hinuhusgahan ang desisyon ni Unknown Girl medyo masakit po sa akin. Babae po ako. At kung ano man ang tatakbuhin ng story na to mas lamang po yung desisyon ko bilang babae. Mas ipaglalaban ko po ang kapakanan ng isang Babae. Kung ano man ang kakalabasan ng story kung mangyayari man yun sa akin yun ang magiging desisyon ko. Kaya kung huhusgahan niyo po si Unknown Girl, para na din ako ang hinusgahan ko.

Hindi po ako galit. At wala din akong masyadong ipinaglalaban. May nililinaw lang.

-----------------------------------

"Lagi na lang ba akong matatalo ng isang Ethan Valero? At bakit lahat ng mahalaga sa akin sa inyo napupunta?"

Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Daddy. Basta nung makita niya ang magulang ni Mark Ethan hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya. At yung itsura ng Mommy ni Mark Ethan. Bakit parang magkakilala sila ni Daddy?


"Akala ko nagkataon lang na Mark Ethan Valero ang pangalan mo. Ni hindi ka naman kamukha ng Ama mo. Kaya pala kahit anong pigil ko na ilayo ang anak ko sayo ikaw pa din ang pinipili niya. Gaya ng pagpili ni Janine sa Daddy mo"


Wala si Mommy sa bahay. Bigla na lang nagalit sa Daddy nung dumating kami. Akala ko nga susugudin pa niya ang Daddy ni Mark Ethan. Ni hindi ko pa sila napapakilala pero parang hindi na kailangan. Mukhang magkakilala na sila. At may kung anong nangyari sa kanila dati. Kasi hindi ko alam kung bakit ganito kagalit si Daddy.


"Eric.." Malumanay na sabi ng Mommy ni Mark Ethan. "Akala ko ba natanggap mo na kung ano man ang nangyari dati."


"Tanggap ko na nga Janine. Ilang taon din ang lumipas bago ko natanggap na hindi ka para sa akin." Medyo huminahon ng konti si Daddy. O sadyang iba ang dating sa kanya ng boses ng Mommy ni Mark Ethan. "Pero parag bumalik lahat ng sakit nung mawala ka, ngayon na nalaman ko na konektado sa inyo ang lalaking naglayo sa akin sa aking anak. Ang lalaking humadlang sa pangarap naming dalawa. Pero sa huli siya pa din ang pinili ng anak ko. Gaya ng pagpili mo kay Ethan kahit dalawang taon ka niyang iniwan."

"Daddy.." Gusto kong lumapit sa kanya. Ang yakapin siya. Ang bawasan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi makatarungan na pamiliin tayo sa pagitan ng Mahal natin at Pamilya. Kasi kahit sino ang piliin parehas lang silang masasaktan. Sa kaso ko pinili ko si Mark Ethan. Pero hindi ibig sabihin na kinalimutan ko na sina Daddy. Kinalimutan ko na kung anong pangako ko sa kanya. Kahit anong mangyari sa buhay ko mananatiling anak niya ako. Hindi kailanman nabawasan ang pagmamahal ko sa kanila kahit pa nagkakaproblema kami dahil sa pinili ko ang lalaking mahal ko.

"Eric" Seryosong sabi ng Daddy ni Mark Ethan. Akala ko nung isama namin sila magiging maayos na ang lahat. Pero mukhang may problema pa sila sa nakaraan na kailangang ayusin. "Wala kaming atraso sayo ni Janine. Nung lumayo ako sa kanya noon sumugal ako na baka mawala din siya sa akin. Na posibleng mabaling ang pagmamahal niya sayo. Inihanda ko ang sarili ko noon sa pagkatalo. Kaya sana sa ilang taon na dumaan. Sana matanggap mo na din yun. Ako ang pinili niya dati. Ako ang mahal niya. Kaya nakikiusap ako kung ano man ang nangyari dati huwag mong gawing dahilan yun para hindi sumang ayon sa mga bata. Malalaki na sila. Nakakapag desisyon na sila para sa kanilang sarili. Hindi naman minamadali ng anak ko na makasal sila. Tutupadin pa din ng anak mo ang pangako niya sayo. Kaya sana hayaan mo na sila. Makakasama sa anak mo ang masyadong mag isip. Gusto mo ba na mapahamak ang apo mo dahil sa pagmamatigas mo?"

Walang duda na mana nga si Mark Ethan sa Daddy niya. Bahagyang kulit na namana sa Mommy niya. Kaya meron akong Limited Edition na Mark Ethan dahil sa kanila.


"Umalis na kayo" Nagulat ako na biglang nagsalita si Mommy. Hindi ko alam kung karating lang ba niya o kanina pa siyang nakikinig sa usapan.

"Mom" Akmang lalapit ako sa kanya pero pinigilan niya ako. Naiiyak siya. Walang duda na nasasaktan siya.


"Anak pakiusap umalis na kayo" At may kung anong sakit sa dibdib ang naramdaman ko ng hindi na mapigilan ni Mommy na umiyak. Yung iyak na ramdam ko yung sakit na pinagdadaanan niya. "Siguro matatagalan bago ko matanggap ang sitwasyon. Na magiging bahagi ng buhay mo ang babaeng dahilan kung bakit hindi ako nagawang mahalin ng Daddy mo ng buo. Napilitan lang siya ma pakasalan ako kasi nabuntis ako. Napilitan lang siya na maging masaya kasama tayo kasi alam niya na wala na siyang pagasa. At walang araw na hindi ako naiinggit sayo Janine. Kaya pakiusap umalis na kayo. Pag wala na yung sakit pag nakaharap kita saka lang maayos ang lahat"


Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ang dami kong nalaman. Kahit si Mark Ethan hindi na nagawang magsalita pa dahil sa mga narinig namin sa aming magulang. Yung sakit na pinagdaanan ni Mommy. Parang hindi ko maisip na matagal siyang nasaktan. At patuloy na nasasaktan. Masakit. Kasabay ng namumuong sakit sa aking sinapupunan. Buti naging maagap si Mark Ethan nahawakan niya ako agad bago ako tuluyang matumba. Bago tuluyang pumikit ang aking mata nakita ko pa ang paglapit nina Mommy at Daddy. Ang nakakakilabot na pagsigaw ni Mark Ethan. At ang tuluyang pagkawala ko sa kawalan.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon