Chapter 31

171K 2.5K 90
                                    







"Engr. Cruz masyadong magastos yang design mo."





Andito ako ngayon sa Office ni Mark Ethan. Nung sunduin niya kasi ako bigla siyang pinatawag ng Daddy niya. Emergency meeting daw. Kaya kasakasama niya ako dito. First Time ko na pumunta sa Office niya. First time ko na makita siya na kausap ang mga katrabaho niya.






Base sa narinig ko parang hindi nagustuhan nung client yung design. Tapos base sa mga equipment na ginamit sobrang mahal pa. Ayaw ko sanang makinig sa kanila,kaso hindi din pumayag si Mark Ethan na sa lobby ako maghintay. At medyo nakakakaba yung tingin na pinupukol ni Engr. Cruz.






"Engr. Valero hindi ba dapat ang meeting na ito ay confidential? Dapat yung nagtatrabaho lang dito at hindi magandang idiscuss ang isang design na maririnig ng ibang tao na wala namang kinalaman sa design?"




Tama nga naman siya. Pero gustuhin ko man na sundin siya hindi ko kayang suwayin si Mark Ethan. Kaya kahit gustong gusto ko na tumayo parang pinipigilan ako ng tingin niya.





"Lahat ng andito ay may kinalaman sa kung anong pinag uusapan natin. Lalo na ang girlfriend ko." Akmang magsasalita ulit si Engr. Cruz pero pinatigil lang din siya ni Mark Ethan. "Dahil siya yung nagdesign nung finorward ko sa client at nagustuhan nila"




May kung anong pinakita si Mark Ethan sa kanila. At wala akong natatandaan na may ginawa ako.




"Yung design niya ay isa sa situational problem na binigay ko. At nagawa niya yun na hindi masyadong gumamit ng mamahaling Pump."




Naalala ko na. Minsan kasi tinuturuan niya akong magreview. At binibigyan niya ako ng mga ganyang sasagutan. Malay ko bang para sa company yun? Ang ginawa ko kasi ay mula sa taas para pababa yung flow. Wala na masyadong Pump na gagamitin. Gravity. Libre na naman yun bakit hindi gamitin? Maayos na pinaliwanag ni Mark Ethan sa mga andun yung design. Hindi na ako nakialam pa. Alam ko naman na may binago dun si Mark ethan. Nakakatuwa lang na pagmasdan siya habang nagpapaliwanag. Ibang iba sa Mark ethan na kilala ko.




"Siguro nga magaling ka talaga sa aspetong yun."







Kami na lang dalawa sa office niya. Bago umalis yung mga kasama niya mga nakipagkamay pa sa akin.





"Saang banda?"



"sa pag gamit ng GRAVITY?"



"Paano mo nasabi?"




Yung daddy niya pala andun din kanina. Kaso si Mark Ethan talaga ang nakikipag usap. Siya ang nagdesesisyon.




"Kasi nahulog din ako ng kusa sayo"




"Engr. Valero may nagsabi na ba sayo na ang korni korni mo?"





Ang korni korni pero sagad sa pagpapakilig. Bakit ba kasi hindi ako masanay sanay sa mga banat niya?




"Sabi ni Daddy ok talaga yung design mo. Ok na ok daw na maging partner tayo. Sa hanapbuhay..at sa buhay"



"At sinama mo pa ang Daddy mo sa kakornihan mo?"





Ang kulit lang talaga ng lalaking to. Parang hindi ko maimagine yung Daddy niya na magsasabi ng ganun.





"Sa kanya kaya ako nagmana ng kakornihan" Hinila niya ako palapit sa kanya at pinaupo sa kandungan niya. "Kaya si Mommy lalong nahulog sa kanya. Ikaw kaya? Hulog na hulog na ba?"



ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon