Chapter 26

186K 2.6K 132
                                    








Maaga akong nagising kinabukasan. At pumunta ako sa unit ni Mark Ethan. Yung susi na matagal na niyang binigay mukhang magagamit ko ngayon. Ayaw ko kasi talaga na pumapasok ako sa unit niya. O nasanay lang ako na hinihila niya papasok dun. At nahihiya ako. Parang oo parang naglilive in kami pero dahil hindi ako labas masok sa unit niya at hindi ako nakikialam sa pamamalakad niya dun hindi kami officially magka live in. Napailing na lang ako sa naiisip ko. Meron pa palang ganun? Officially live in?







Dumiretso ako sa kusina at naghanda ng makakain naming dalawa. Ngayon ko lang ata siya ipagluluto? Kasi bukod sa hindi ako sanay kumilos sa kusina eh nahihiya ako na pakainin siya ng luto ko. Nakakahiya na mas magaling pa siyang magluto sa akin. Pero ngayon kailangang kalimutan ko ang hiya hiya na yun. Kasi manunuyo ako ng nagtatampong bata.





"Good Morning"






Matapos ng isang oras na hindi ko alam ang ginagawa ko ay lumabas na din si Mark Ethan. Nakapangtrabaho na siya. Medyo kumunot ang noo niya nung makita niya ako. Hindi ba siya natutuwa na makita ako? at hindi ba niya ako namiss kagabi?






"Malalate na ako. Dapat hindi ka na nag abala pa na magluto"







"Kahit konti lang o kahit kape lang?"






Hindi ito kumilos. Parang ayaw niya talagang kumain o itry man lang yung niluto ko. Kung hindi nga lang talaga ako nanunuyo ng lagay na to magwawalk out ako ng dahil sa ikinikilos niya.






"Mark Ethan"






Atubili pa itong umupo. Inabot lang niya yung tasa ng kape at humigop ng konti.







"Buti na lang 3 in 1"





Iiling iling na sabi niya. Pakiramdam ko ang pula pula ng mukha ko.




"hindi naman makakabawas ng kagwapuhan ko kung kakain ako ng uling di ba?"





Nakangiting sabi nito nung tinusok na niya yung sobrang itim ma hotdog. Yung alanganing hilaw na sunog na itlog. At yung matanda lang ng kaunti sa lugaw na kanin. Atleast nag effort di ba? Kumuha na din ako ng hotdog. Eh alangan na hindi ako kumain? Sino pa ba ang tatangkilik sa gawa ko kundi ako din? Nung isubo ko yun. konting nguya lang tas lunok na agad. Medyo ok pag ganun. Inulit ko lang ng ilang beses at medyo nakakasanayan ko na. Nawala lang ako sa momentum nung biglang kabigin ni Mark yung mukha ko at inangkin ang labi ko. Medyo matagal yun. Aprodisiac ba ang niluto ko? at biglang nanghahalik ang lalaking ito? At dahil kumain din ako ng niluto ko siyempre sasagutin ko ang halik na ginawa niya.







"May dumi ka sa labi kaya nilinis ko lang. Baka kumapit yung uling"






Sabi niya nung maputol ang paglalapat ng labi namin. At talagang pinandigan niya yung uling?





"Huwag mo na lang kainin yan. Makauling naman"






"Hahaha Alam mo hindi mo kailangang magluto at ipamukha sa akin na hindi ka magiging mabuting asawa. Kasi hindi na magbabago ang isip ko."






"Ang adik mo."






Hinawakan niya ang kamay ko. Tumigil na din kami sa pagpapanggap na natutuwa kami sa kinakain namin.






"Sabihan mo ako sa schedule ng review mo. Hatid sundo kita lagi"







"Pero makakaabala ako sa trabaho mo. Hindi naman ito katulad nung college na labas ka na talaga kaya nasusundo mo ako. Ngayon alangang oras na."






ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon