Chapter 47

124K 2.3K 68
                                    


"Hindi ka ba kakain anak? Ok na naman ang mag ina mo. baka ikaw pa magkasakit"

Malumanay na sabi ng mama niya. Mumulat sana ako pero narinig ko ang boses niya. Kaya medyo nahiya ako. Nakakahiya ang mga nangyari kanina. Nakakahiya sa pamilya nila na puro sakit ng ulo ang hinatid ko. Pinakiramdaman ko si Mark Ethan. Hindi siya sumagot sa tanong ng Mommy niya.


"Iiwan ko na lang itong pagkain mo. Mamaya kakain ka ahh?" Hindi ko pa din narinig ang tugon ni Mark Ethan. "Sorry anak. Aayusin namin to."


Gustong gusto ko ng imulat ang mata ko. Nakakapagtaka ang hindi pagsasalita ni Mark Ethan. Sobrang close sila ng Mommy niya. Magkakasira ba sila dahil sa nangyari? Hindi pwede.


Naramdaman ko ang paghaplos niya sa tiyan ko. Yung sa bawat pagkilos ng kamay niya ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa amin. Sabi ng Mommy niya ok kami pareho. Kaya naniniwala ako na maayos si baby.

"Baby Mahal na Mahal ka ni Daddy. Kayong dalawa ni Mommy. Buti kumapit ka kanina. Natakot ako na baka iwan mo agad kami. Nakakatakot na baka tuluyang mawala din ang mommy mo sa akin kung nangyari yun. Kaya salamat Baby. Pangako magiging mabuti akong ama para sayo"


Yung boses niya ang lungkot lungkot. Parang kanina gustong gusto kong marinig ang boses niya. Pero ngayon hindi ko yun matagalan. Bakit kasi ang lungkot lungkot niya? Parang ayaw ko tuloy makita ang mukha niya ngayon. Parang hindi ko ata kakayanin.


"Kung ang paglayo sa lahat para masigurado ko na ligtas kayong dalawa. Ilalayo ko kayo."


"Mark Ethan.."


Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang pagpapanggap na tulog ako. Lalo na sa sinabi niya ngayon. Kaya ba hindi siya sumasagot sa Mommy niya kasi bahagi yun ng plinaplano niyang paglayo?

Dali dali siyang umalalay sa akin ng tangka kong bumangon. Inayos niya ang pagkaka upo ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Nagugutom ka ba?"

Umiling lang ako.

"Nauuhaw?"

Iling lang ang naisagot ko. Hindi ko kayang magsalita. Bakit ganyan ang itsura niya? Bakit kahit ngumiti siya ng nagising ako bakas pa din ang labis na kalungkutan?


"Naiihi?"


Patuloy lang ako aa pag iling. Parang ewan lang. Nahilo lang ako. Hindi naputulan ng dila.


"Iiwan mo ba ako?"

Wala aa sariling napailing ako. At naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.


"Wala ng bawian ahh.. hindi mo ako iiwan di ba?"

Ngumiti na lang ako. Sino bang hindi na lang mapapangiti? Nakakabaliw ata ang pagbubuntis? Tapos sinabayan pa ng nakakabaliw na pagmamahal ni Mark Ethan.


"Bakit ba takot na takot kang iwan kita? Madami ka namang pwedeng ipalit sa akin"


Hinaplos niya ang mukha ko. Medyo hindi na malungkot ang mukha niya. O siguro dahil yung kinatatakutan niya hindi ko naman gagawin.


"Oo madami nga sila. Pero hindi ikaw sila. Ikaw lang ang para sa akin. Kaya iba sila. Iba ikaw. Ikaw lang yan."

Sabi ko nga. Kahit anong sitwasyon nagagawa niyang bumanat. Walang lugar siyang pinipili. Basta masabi niya ang nararamdaman niya.

"Ano yung sinasabi mo na ilalayo mo kami?"


Ayaw kong tanungin siya kung bakit hindi niya pinapansin ang Mommy niya. Baka malaman niya na kanina pa akong gising at nakikinig sa kanila.


"saka na lang natin pag usapan yan pag nakalabas ka ng Hospital. Kailangang magpalakas ka. Kasi ikaw ang kahinaan ko di ba?"


"Pero ayaw ko na magkaproblema ka sa pamilya mo Mark Ethan.."

"Kayo ang pamilya ko."


Medyo sumeryoso siya ng konti. Siguro natakot talaga siya kanina. Lilipas din yung tampo niya sa magulang namin. Ayaw kong sabihan siya. Kasi ako nawalan lang ng malay at hindi ko na alam ang nangyari. Siya ang nakasaksi sa lahat. Siya ang nakaramdam ng lahat ng pwedeng maramdaman kanina. Kaya naiintindihan ko siya. Pero sana hindi ganun katagal na ganito siya sa Mommy niya. Mahal na mahal siya nito. At tanggap na tanggap ako ng Pamilya niya. Ayaw kong magulo yun dahil sa nakaraan. Mahal na mahal ko si Mark Ethan. Kaya kung ang pagpapakasal ang tanging magiging sagot sa kaguluhan nato. Pumapayag na ako. Ayaw ko na ulit makita ang malungkot niyang mukha. Nakakahawa. Feeling ko ang lungkot lungkot ko. At para sa isang tao na walang ginawa para mapasaya ako tama na siguro ang pagpapahirap sa kanya. Kaya Mark Ethan magtanong ka lang kung handa na akong magpakasal sayo.Sa pagkakataon na ito hindi ka na malulungkot sa magiging sagot ko.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon