Chapter 51

128K 2.4K 109
                                    


"Ilang buwan na yan?"


Nakangiting tanong sa akin ni Julian. Andito din siya sa Company nina Mark Ethan. Final Interview na daw. At baka nga daw si Mark Ethan pa ang mag interview sa kanila. Nakapasa nga pala siya sa Board Exam. Sabagay lahat ng classmate ko pasado. Dun namin kilala ang University namin na 100% Passing lagi sa Mechanical Engineering Licensure Exam. Kung siguro bitter pa ako about diyan baka nagmumokmok na ako sa kwarto ko. Pero aanhin ko nga naman ang lisensiya sa panahon ngayon? Kung ang lisensyang inaalok sa akin ni Mark Ethan ay panalong panalo na ako. Saka alam ko na papayagan pa din niya akong kumuha ng Board Exam pagkapanganak ko.

"6 months na"


"Lapit na. Babae o Lalaki?"

"Hindi pa namin alam. Sabi kasi nila para sure daw sa gender ni baby mga Seven Months na magpaultra sound. Pero kahit ano naman ok lang sa amin."


Masuyo niyang hinaplos ang tiyan ko. Hindi agad kami nakapag usap nung malaman ng lahat ang relasyon namin ni Mark Ethan. Medyo nahihiya din kasi ako na harapin siya. Alam ko. na hindi ko naman siya pinaasa pero yung lagi din siya yung nalalapitan ko,kahit sabihin na hindi ko siya pinapaasa. Lalo lang siyang napapalapit sa akin. At wala akong mukhang maiharap sa kanya. Kung nakita ko agad siya kanina bago niya ako nakita malamang umiwas ako sa kanya. Pero wala na. Nakita na niya ako. At ok na din na makapagusap kami. Ayaw ko din naman na mawala yung Friendship namin.

"Malamang Engineer din ito pqglaki. Kaya ok lang kung babae o lalaki. Kailan ba naging issue sa course natin yun?"

"Kaya nga. Kaya namin lahat ng ginagawa niyo."

"Kaya nga ang hirap manligaw sa kapwa Engineering student."


"Julian.."


"Hahaha ok lang ako. siguro nagkataon lang na Mas matalino. Mas Gwapo. At Engineer na yung naging karibal ko sayo. Pero kung hindi.. hindi ako papayag na basta na lang ganito"

Medyo kinabahan ako sa mga binitiwan niyang salita. Pero siguro dala lang yun ng emosyon niya. Na higit pa man isa siya sa nasaktan namin.

"Andyan na asawa mo"


Dun lang para akong natauhan. Inilayo ko ang sarili ko kay Julian. At paglingon ko nakakunot na Mark Ethan ang nakita ko. Alam ko na nakita niya na hinahaplos ni Julian ang tummy ko. At alam ko na sa oras na yun galit siya. Sabi na nga ba dapat sumama na lang ako sa loob ng conference room kung saan siya andun. Para walang gulong ganito. Paglapit ko sa kanya agad ko siyang hinalikan sa pisngi.

"Mark Ethan, Si Julian, Final Interview na ata siya sayo"

"Si Daddy na lang mag iinterview sa kanya. Andyan naman siya. Una na kami pre"

Seryosong sabi niya. Kaya nung hawakan niya ang kamay ko ay wala akong nagawa kundi lumakad na din. Hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Julian. Pagsakay na pagsakay ko ng sasakyan ay agad kong hinarap si Mark Ethan.


"Bakit ayaw mong ikaw ang mag interview? Parehas kayo ng course."

Hindi pa din siya tumiingin sa akin.

"At ano? habang iniinterview ko siya ang maaalala ko kung paano ka makipag usap sa kanya? at kung paano niya haplusin ang tiyan mo? Buti nga hindi ko sinabi na hindi na kami naghahanap ng tao. Sa ibang kumpanya na lang siya mag apply"

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon