Chapter 18

238K 3.4K 228
                                    

PROM NIGHT

Kinakabahan ako na medyo excited din. Hindi mawala sa isip ko yung kasiyahan sa mukha ni Mark Ethan nung sabihin ko na siya na ang date ko. Para siyang bata. Nakakatuwa. At ngayon na konting minuto na lang ay susunduin na niya ako. Unang beses namin na lalabas na sobrang daming makakakilala sa amin. Although alam na ng mga classmate ko na may something sa amin ni Mark Ethan. Nakakakaba pa din. Narinig ko ang pagtunong ng doorbell ng unit ko. Agad kong pinasadahan ng tingin ang itsura ko. Ang reflection ko sa salamin. Ang kulay pula kong Dress. Mahaba siya na may slit hanggang sa medyo taas ng tuhod ko.




Matapos kong masiguro na ok na ako. Pinuntahan ko na si Mark Ethan. Hindi ko alam kung ano ba ang suot niya. Tinanong pang niya kung ano bang kulay ng suot ko. Medyo huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto antipasyon sa kagwapuhang masisilayan ko.





"Ready?"






Bungad niya ng pagbuksan ko siya ng pinto. Oo. Alam ko na gwapo siya. Pero hindi ko akalain na may igwagwapo pa pala siya? Ngayon ko lang siya nakita na ganito ang suot. Kulay Itim na amerikana, na ang pang ilalim ay kakulay ng damit ko. Ang gwapo niya talaga.

Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang titig niya sa akin. Kung nagustuhan ba niya? Pero tinalikuran niya lang ako.

"Mark Ethan.."

Napansin ko ang pagbuntong hininga niya bago siya humarap sa akin.

"Gusto kitang halikan. Yakapin. Hilahin papasok sa loob ng unit mo. Pero pag ginawa ko yun baka hindi na tayo matuloy sa PROM. Bakit kasi ang ganda mo? Bakit nagpaganda ka ng ganyan?"

Napangiti na lang ako. Ang adik lang ng lalaking to. Akala ko hindi niya nagustuhan kaya niya ako tinalikuran. Yun pala umiwas lang siya para sa mga bagay na pwede niyang gawin.

Lumapit siya sa akin. At niyakap ako. Saglit lang yun. Lumayo ulit siya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang maglagay ng lipstick?"

"kailangan kasi.."

"Sino ba kasi ang nag imbento niyan? Yang Lipstick na yan! Hindi kita magawang halikan ngayon. Yan ang huling beses na maglilipstick ka. Kahit sa kasal ko wag na wag kang maglilipstick!"

"Tara na nga. Ang adik mo"

Hinila ko na siya palayo sa unit ko. Kasal ko? Kasal niya lang? Hindi niya sinabing kasal namin.

Buti nung nasa sasakyan na kami. Medyo kumalma na siya ng kaunti. Kung makapag amok tungkol sa halik akala mo naman pinagkakait ko sa kanya yun. Parang kagabi lang magkasama kami sa unit ko. At hindi lang halik ang ginawa niya. Ganun mo ba ako kamiss agad? O ganun lang talaga ako kaganda ngayon? Shet. Haba ng Hair.

Bago niya paandarin ang sasakyan ay may kinuha siya sa likod na upuan.

"Para sa napakagandang date ko ngayon"

Nakangiting sabi niya sabay abot ng isang pirasong long stem rose. Kulay pula yun. Katulad ng suot ko. Kukuhanin ko na sana yun ng ilayo niya sa akin.

"Bawal kang makipagsayaw sa iba mamaya."

Tumango na lang ako. Ayaw kong umiyak pero naluluha ko. Ito ang unang beses na binigyan niya ako ng bulaklak. Kaya kahit anong sabihin niya papayag ako. Hinawakan niya ang kamay ko. At dinala yun sa labi niya at masuyong hinalikan.

"Alam mo ba na madaming beses na na plinano ko na bigyan ka ng bulaklak? Minsan nakatago lang sa unit ko. Iaabot na lang. Pero nauunahan ako ng hiya. Hindi ko din naman maipapaliwanag kung bakit kita bibigyan. Pero ngayon kahit hindi ko maipaliwanag. Alam ko naman na hindi ka na malilito. Ngayon gagawin ko ang lahat o ibibigay ko ang lahat sayo para kahit isang segundo hindi mo maiisip na lumayo sa akin"

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon