Chapter 41

123K 2.2K 151
                                    





"Kung mapapayag mo ang anak ko na makasal kayo sa loob ng isang buwan papayag ako na sumama siya sayo. Pero kung hindi Engr. Valero hindi ka na makakalapit sa kanya"








"Pero sir.."






Yung mukha ni Mark Ethan sobrang nagulat at nasaktan sa sinabi ni Daddy. Ilang araw na ang nakalipas nung tumigil kami sa bahay nina Mark Ethan. Ngayon ay kaharap na namin ang Parents ko at alam na nila ang sitwasyon. Ang hindi ko pagkuha ng Board Exam.







"At hanggat hindi siya nakakapagdesisyon dito muna siya sa bahay. Pwede mo naman siyang puntahan"










"Pero sir hindi ko po maaring pilitin na makasal ang anak niyo sa akin kahit gustong gusto ko pa yun. Masyado ko na siyang pinangunahan sa kalagayan niya ngayon. Ibibigay niya muna ang gusto niyo na maging Engineer na apelyido niyo ang gamit saka pa lang siya magdedesisyon tungkol sa aming dalawa."







"Kaya nga kung Mahal ka talaga ng anak ko ikaw ang pipiliin niya kahit pa yung napag usapan namin ang nakasalalay. Kahit yung pangarap ko pa yun"







"Dad!"




Hindi ko akalain na masasabi niya yun. Na parang pinagdududahan niya ang pagmamahal ko kay Mark Ethan. At bakit parang pinapipili niya ako sa pagitan ng Pangarap niya at Pangrap ko? Ngayon ko lang narealize na ang unfair ko nga pala kay Mark Ethan. Mahal niya ako. Kaya ako buntis ngayon kasi nagmamahalan kaming dalawa. Hindi niya kasalanan. Ginusto namin yun. Medyo nauna lang pero mangyayari din naman talaga yun.








"Pero Mahal niya po ako.."







Medyo garalgal na ang boses ni Mark Ethan. O siguro pinipilit lang niya na huwag umiyak sa harap ng aking magulang.








"Sapat na pagmamahal ba para piliin ka niya? Hindi ko pwedeng ibigay ng ganun ganun lang ang anak ko Valero. Kahit buntis na siya ok lang. Mapapalaki ko naman ang apo ko kahit wala ka"








"Pumapayag po ako Sir."









"Mark Ethan.."









Hindi ko alam kung paano ko mapapawi yung sakit na nararamdaman niya ngayon.








"Pumapayag ako kasi wala naman po ako magagawa. Ayaw ko po na pilitin ang anak niyo na makasal sa akin kasi minamadali niyo siya. Pero kung hindi ko man siya mapapayag sa paraan ko hindi po ako susuko. Kahit araw araw po akong manligaw gagawin ko."









"Pero hindi ka na makakalapit sa kanya kung sakaling ayaw niyang magpakasal"







"Hindi po kayo ang magdedesisyon nun Sir. Kaya maghihintay ako kung kailan siya handang magpakasal sa akin"









Tumingin siya sa akin. Hindi ko magawang kumilos. Hindi ito ang inaaasahan ko. Akala ko madali lang sa parents ko lahat. Hindi ko akalain na may mga kondisyon pa sila.







"Uuna na ako"







Paalam niya sa akin at tumalikod na ito. Masakit na makita siya na ganyan.






"Dad anong ginawa niyo? Sinaktan niyo siya"





"At ako hindi nasakan? Na malaman na buntis ka?"







Seryosong sabi ni Daddy. Hindi ko din naman kaya yung galit niya pero hindi mawala sa isip ko si Mark Ethan.







"Sorry Dad. Sorry kasi binigo ko kayo" Naiiyak ako. Hindi ko akalain na aabot sa ganito. Naging mabuting magulang sila. At masakit nga sa kanila ang sitwasyon. Kakagraduate ko pa lang. Pero ayun buntis na. "Pero sasama po ako kay Mark Ethan. Hindi ko po matatanggap ang mga kundisyon niyo sa kanya. Oo pinapahirapan ko siya dahil sa ginawa niya pero wala po sa plano ko ang iwan siya ng tuluyan. Mahal ko po siya Dad. At kahit gaano katagal siyang maghintay ok lang sa kanya."









"Kahit pa itakwil kita ngayon?"








Medyo natigilan ako. Si mama na nasa tabi ni Daddy nagulat din. Bakit ganito? Wala naman siyang nababanggit na ganito ang mangyayari kung sakaling mabigo ko sila. Hindi ko to inaasahan. O ganun lang ba ako kamahal ni Daddy kaya nakakapagsalita siya ng ganyan.








"Ako o si Mark Ethan? Magdesisyon ka ngayon. Huwag na nating patagalin pa ng isang buwan. Ngayon pa lang gusto kong malaman kung ano ang desisyon mo."









"Pero Dad.."







"Pag pinili mo siya hinding hindi ka na makakalapit sa amin. Lalo na sa Mommy mo."








Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko maimagine na hindi ko na malalapitan si Mommy kung sakaling piliin ko si Mark Ethan. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko sila.








"Dad bakit biglang ganito? Di ba mabait ka?"







"Masakit na binigo mo kami anak"







"Pero.."







"Si Mark Ethan o kami ng Mommy mo?"








Parang namamanhid na ang mata ko sa daming luhang lumabas. Ang sakit. Alam ko na malaki ang kasalanan ko. Namin ni Mark Ethan. Siguro lalo silang magagalit kung malalaman nila yung naging sitwasyon namin ni Mark Ethan nung SLAVE niya pa lang ako. Siguro isusumpa na nila si Mark Ethan. Kabayaran siguro ito ng lahat ng paglilihim ko sa magulang ko. Ang mamili sa pagitan ng taong mahal ko at sa magulang ko. Makakaya mo naman siguro na wala ako sa buhay mo di ba Mark Ethan?






_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon