Chapter 3 (HIS POV)

17.7K 260 7
                                    




Simula ng mahalikan ko siya, hindi ko na nagawa pang lumayo sa kanya. Dalawang buwan lang kung tutuusin ang Slave-Master namin dahil ayun naman talaga lang talaga dapat. Pero sa bawat araw na hinahatid ko siya lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko na nga alam kung makakaya ko ba ma hindi ko siya makasama sa loob ng isang araw. At pagkatapos nga ng dalawang buwan, isang araw lang na hindi ko siya hatid sundo pero nawala na agad ako sa focus. Kaya kinabukasan lumipat agad ako sa tabi ng unit niya. Wala namang plano na ganito dapat ang set up namin, hindi ko din alam kung bakit nga din kami humantong sa ganito. Sa halos tatlong taon naging sunod sunuran lang siya sa akin pero hindi ko  naman talaga nakuha ang loob niya. Sa bawat init ng katawan na pagsasaluhan namin lagi akong umaasa na may katugon  ang pagmamahal ko pero aa tuwina ay iiwasan niya ako pagkatapos. Tila may sakit ako na lalayo siya. Hindi ko nga siya nagigisingan sa umaga kahit gaano ko pa siya pagudin sa magdamag. Lagi na lang siyang umuuwi sa unit niya. Parang hindi matagalan na kasama ako. Masakit.




"Nasaan ka?"


Kanina ko pa siya tinatawagan. Gusto kong isipin na busy siya o may klase kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko. Pero imposible kasi halos wala na naman silang ginagawa. Graduating na siya. Wala naman siyang problema sa Thesis kasi ako ang gumagawa ng thesis niya. Dahil ayaw ko na may makagroup siya na lalaki sinabi ko na siya lang dapat sa thesis niya at ako ang bahalang gumawa. Hindi na naman siya nakipagtalo sa akin. Sabagay nasanay nga din ako na sunod sunuran siya sa aki  pero ang hindi ko makakasanayan ay yung pag iwas niya sa akin.




"Sa room"



Mahinang sagot niya sa akin. Para bang nakakahiya sa mga makakarinig kung sino man ang kausap niya. Bakit ko ba nararamdaman ito? Bakit kailangang masaktan ako sa mga simpleng bagay na kinikilos niya?





"Hihintayin kita sa gate ng University"




Tinapos ko ang tawag ko. Alam ko naman na lalabas siya kahit pa sabihin na may klase pa siya. Matalino naman kasi ito kaya kayang kaya niya ang course namin. Kayang kaya niya din akong pasunudin ng hindi niya alam. Saglit lang akong naghintay sa kanya. Pagkasakay na pagkasakay niya ay agad ko siyang hinalikan. Hindi simpleng halik lang ang iginawad ko. Halik na nanabik. Pero bago ko pa man bitawan ang mga labi niya ay itinulak niya ako.





"Mark.."


Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Ayan na naman ang pag iwas niya. Parang kanina lang din naman ay tumutugon siya sa halik.






"Ayaw mo na ba?"




Isang tanong na ayaw kong itanong sa kanya kasi hindi ko kakayanin ang magiging sagot niya. Ngayon pa lang ako nagkakalakas ng loob na ipaglaban siya sa katorpehan ko ngayon pa siya aayaw? Hindi pwede. Hindi ko yun kakayanin. Lumayo ako sa kanya ng konti. Lumayo kasi baka marinig niya yung tibok ng puso ko na sobrang kinakabahan at nasasaktan ngayon. 






"Mark.."


Hinawakan niya ang kamay ako. Masuyo niyang hinaplos yun na tila ba inaamo ako. Yung boses niya ang lambing din, pero halata na kinakabahan siya. Hindi siya sumagot sa tanong ko. Hindi ko alam kung ayaw din niyang sagutin o hindi niya alam din ang isasagot. Pero sapat na yung hawak niya sa kamay ko para panghawakan na kahit papaano meron kaming dalawa. Pinisil ko lang din ang kamay niya. Hindi ko din kasi alam kung ano ba ang sasabihin ko. Mabilis ko siyang hinalikan bago ko paandarin ulit ang sasakyan. Pero agad ko din naman na kinuha ang kamay niya para hawakan. At hindi lang kamay niya ang gusto kong hawakan. Gusto kong pang hawakan yung hinaharap na iniisip ko kasama siya.


Naglalakad na kami papunta sa unit namin pero siya tinatahak yung papasok ng unit niya. Ayaw niya ba akong makasama? Nag cancel ako ng meeting dahil namimiss ko siya pero siya parang may allergy ata siya sa akin at kailangan niya akong layuan. Hindi na siya nagsalita, sumunod lang siya sa akin papasok sa unit ko.




"Anong gusto mong kainin?"




Bibihira naman talaga kaming kumain na magkasama. Pag pinagluluto ko lang siya. At hindi pa madami ang nakakain nito. Parang napipilitan lang ito na sabayan siya. Lagi na lang ganoon. Kaya lalo akong natakot na magpakita ng nararamdaman sa kanya. Sa kinikilos kasi nito parang wala akong pagasa.




"Ikaw na ang bahala"



Ni hindi siya tumingin sa akin. Inilabas nito ang laptop. Siguro magbabasa ito ng thesis niya. Inaabala ko na lang ang sarili ko sa pagluluto. Buti na lang pinilit ako ni Daddy na matutong magluto. Plus pogi points daw yun. Kaso mukhang hindi uubra sa mahal ko. Tinawag ko na siya ng matapos akong makapagluto. Ang simple simple ng ayos niya pero lalo lang talaga yun na nakapagpaganda sa kanya. Hindi pa man ito nakakaupo ay hinapit ko siya sa bewang nito. Maalab ko siyang hinalikan at tinugon din naman yun ng kasing alab ng ginawa ko. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa batok ko kaya lalo ko siyang hinapit palapit sa akin. Ibinaba ko ang halik ko sa leeg niya. Isa isa kong hinubad ang uniporme nito. Pinaglandas ko ang mga labi ko pababa sa dibdib niya. Agad na sinakop ng bibig ko ang pinakatuktok noon. Salitan ko yung hinalikan hanggang sa bumaba ang ulo ko pababa sa pagitan ng kanyang mga hita. Naramdaman ko ang pagkapit niya sa may lamesa para hindi ito matumba.




"Mark.."





Impit na ungol nito na lalo lang nagbigay lakas ng loob sa akin para pag igihan ang pagpapaligaya sa kanya Naramdaman ko ang pagkapit niya sa buhok ng may lumabas sa kanya. Wala naman akong sinayang sa mga yun. Patuloy pa din ako sa paghalik sa bahaging yun ng katawan niya. Tumayo ako at isa isang naghubad ng damit sa harap niya. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Nasanay na din kasi ako sa seryosong emosyon na lagi kong pinapakita sa kanya. Pero kung may lakas lang ako ng loob. Kung mapapakita ko lang at kung mararamdaman niya lang na mahal na mahal ko siya. Lumapit ako sa kanya at dahan dahang pinaghiwalay ang mga hita niya. Nakatayo pa din siya at nakatingin lang din sa akin. Dahan dahan kong pinasok ang sarili ko sa kanya. Napapikit lang ito habang pinapakiramdaman ang aming pag iisa.





"Open your eyes"



Dahan dahan nitong iminulat ang mga mata niya. Ako naman ay tiningnan siya ng matiim. Yung tingin na sana maramdaman niya kahit konti na mahal ko siya. Dahan dahan akong gumalaw na hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Ganoon din naman ito kaya lalo lang hindi ko mapigilan ang pagalaw ko. Ipinulupot ko ang mga paa niya sa bewang ko at mabilis na pagkilos pa lalo ang ginawa ko. May pagkakataon na itinataas baba ko pa ang bewang niya para lalong salubungin ang pagkilos ko. Halos hindi ko na makilala ang magkahalo naming boses na pumuno sa kusina. Lalo ko pang binilisan hanggang sa parehas naming marating ang ligaya na dulot ng aming pag iisa. Dahan dahan kong inalis ang sarili ko sa kanya. Iginiya ko siyang umupo. Hindi na ako nag abalang bihisan kaming dalawa.






"Siguradong pagod ka kaya makakain ka na ng ayos"





Pero sinabi ko lang talaga yun sa kawalan ng salitang masabi. Hindi ko naman plinano na angkinin siya kanina. Pero hindi ko mapigilan. Natatakot na talaga ako sa epekto niya sa akin. Nakakatakot na baka walang katugon ang nararamdaman ko sa kanya. Paano nga kung wala? Paano kung nasanay lang ito sa sitwasyon namin? Pero wala namang pagmamahal itong nararamdaman sa kanya? Paano na?







_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon