Chapter 25

191K 2.7K 119
                                    








Ilang araw lang din akong nagtagal sa bahay at bumalik na din ako sa unit ko. Ang totoo napilitan lang din akong bumalik kasi si Mark Ethan wala atang balak umuwi kung hindi ako kasama. Araw araw siyang nasa bahay. Nagpapalakas ata sa magulang ko. Tas sa gabi pupuslit siya sa kwarto ko at doon matutulog. Kaya bago pa man kami mahuli sa pinagagawa niya. Nagdesisyon akong bumalik na lang. At kailangan kong asikasuhin ang mga requirements ko. At ilang araw na lang magstart na kami sa pagrereview para sa Board Exam.





"Bakit kasi kailangan mo pang kumuha ng Board Exam?"





Andito kami ngayon sa Review Center, magtitingin kami ng schedule.Buti na lang at madaling nakuha ang Transcript of Record ko. Para pag malapit na yung pag fill up ng application wala na akong magiging problema. Ayaw ko kasi ng masyadong isipin pag malapit na mismo ang exam. Mahirap man ang goal ko pero gusto ko sanang mapasama sa Top 10. Alam ko na malabo na yung Top 1 na pinapangarap ko.







"Bakit ba Engineering ang kinuha ko kung hindi naman ako magiging lisensyado?"






Kanina pa siyang ganyan. Parang ayaw niya na magreview ako. Para sa parehas ang course hindi ko alam kung bakit hindi niya ako maintindihan?




"Mas gusto mo na tawaging Engineer?"




"Alangan"








Anong silbi na nagpakahiram ako ng limang taon kung hindi din naman ako magiging Engineer? Pangarap lahat yun ng mga Engineering ang kinuhang course. Yung apat na letter na madadagdag sa unahan ng pangalan namin ang kapalit lahat ng paghihirap namin.






"Mas gusto mong tawaging Engineer kesa Mrs. Valero?"






Medyo napatigil ako doon. Kaya pala ganun siya kaseryoso kanina pa? Mas gusto niya ba na itali niya ako sa kanya kesa ang tupadin ang pangarap ko?







"So ayaw mo na makapasa ako?"




Hinila niya ako palayo sa karamihan. Akala ko nga lalayo lang kami pero dirediretso yun hanggang sa sasakyan niya. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay. Kasi bakit ba ang seryoso seryoso niya?







"Hindi ko sinasabi na ayaw ko na pumasa ka. Kasi alam ko naman na makakapasa ka. Tas pag may lisensya ka na alam ko na hindi papayag agad ang daddy mo na palitan ko agad ang apelyido mo. Syempre dala dala mo apelyido niya eh tas papalitan ko agad?"









Ang baliw lang din ng lalaking ito. Hindi ko tuloy magawang mainis ng tuluyan.






"Pangarap ko kasi yun Mark Ethan"






Dahil nga pamilya kami ng Engineer mula pagkabata pa lang yun na ang gusto ko. Ang maging Engineer. Kahit pa nagulo ni Mark Ethan ang buhay ko habang nag aaral ako hindi pa din nawala yung kagustuhan ko na yun.





"Pangarap ko din kasi yun...






Napatingin ako sa kanya. Yung paraan ng pagsasalita niya kasi. Yung parang wala na siyang magawa. Yung parang talo agad siya.





"Pangarap ko na palitan ang apelyido mo"





"Mark Ethan.."






Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang ang bigat kasi sa dibdib. Sa sobrang saya ko dahil ng sinabi niya.





"Hindi ba pwedeng Engr. Valero ka na lang muna?"






Napailing na lang ako. Hindi ko kasi maibibigay yung hinihiling niya. Pangako ko yun kay Daddy. Pangarap naming dalawa. Kaya kahit gusto ko din yung inaalok niya. Hindi ko pwedeng balewalain si Daddy.









"Hindi pwede Mark Ethan.."






Matagal siya bago nagsalita. Seryoso pa din siya. Nakakainis. Ayaw kong mamili sa dalawang lalaking malapit sa akin.







"Ok. Naiintindihan ko. Tumingin ka na schedule. Hintayin na lang kita dito"









Hindi niya ako tinignan. Kahit gaano na kami katagal magkasama. Hindi ko pa din alam kung paano siya kakausapin o susuyuin pag ganyan siya. Bago ako lumabas ng sasakyan ay mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.







"Girl, Sama sama na tayo ahh?"







Sumangayon na lang ako. Wala din naman ako sa katinuan para magdesisyon. Saka gaya ng napagkasunduan ng mga kaklase ko dapat same schedule na lang. Kung may group study man magiging available lahat. Hinayaan ko na lang sila na pumili. Sinabi ko na sabihan na lang ako kung ano ang magiging desisyon nila. Agad akong bumalik sa sasakyan ni Mark Ethan.





"Mark Ethan.."







Bakit kasi sa tuwing ganito kami pangalan lang niya ang nasasabi ko? Bakit ang sakit sakit sa puso na makita siya na nalulungkot?








"Alam ko naman na sobrang laking bagay ng hinihiling ko. Pagpasensyahan mo na. Nakakatakot lang kasi.."






"Nakakatakot?"







"Nakakatakot kasi pag naging matagumpay ka baka ang hirap mo ng abutin. Ang daming aagaw sayo sa akin. Saan ka kasi makakahanap ng ganun? Maganda at Matalino pa. Kaya masisisi mo ba ako? Na itali ka muna? "









Hinawakan ko ang mukha niya. ang gwapo niya pa din kahit nagdadrama siya.






"Pero ok lang naman kung anong desisyon mo. Sino ba ako? Isang manliligaw na hindi masabi na Mahal kita pero ang lakas magsabi na papalitan ang apelyido mo"






"Ang baliw mo"







Pinaandar na niya ang sasakyan pero ganun pa din ang itsura niya. Hanggang makarating kami sa unit niya ganun pa din siya. Dirediresto nga lang siya sa kwarto niya. Parang nakalimutan niya na kasama ako. Umuwi na lang ako sa unit ko. Hindi ko din naman alam kung paano siya susuyuin ng ganyan siya.







Mahirap kasi na sinanay ko siya na bigay ko lahat. Na siya ang priority ko. Mamaya ko na lang siya kakausapin ko o bukas. Kasi hindi pwede na may problema kamk ng ganito pag nag umpisa na akong magreview. Ayaw ko ng kahit anong distraction sa pagrereview ko.






Hindi na din niya nagawang magparamdam sa akin hanggang sa makatulog ako. Siguro nga nakukuha niya lahat. Pero Mark Ethan. Kahit ito lang. Ibalato mo na sa akin.










_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon