Chapter 49

111K 2.3K 77
                                    


"Paglabas ni baby ako mag aalaga"


Sabi niya habang hinihimas ang tiyan ko. Limang buwan na akong buntis. Pwede ng magpa ultrasound para sa gender ni baby kaso ayaw pa namin. Mga seven months na daw sabi niya para siguradong sigurado na talaga sa gender ni baby.

"Sabi mo lang yan. Mamamayat ka pag ikaw ng nag alaga. At sabi nila magmumukhang mature agad, yung tipong tatay na tatay ang itsura. Gusto mo ba yun? Hindi ka na gwapo. Hindi ka na hot"


"Sayo lang naman ako nagpapagwapo. Saka pag nanganak ka alam ko na hindi mo masyadong iintindihin ang itsura ko kasi focus ka kay baby. Kaya ok lang na magmukhang tatay na tatay ako. Ikaw naman ang nanay ng aalagaan ko eh"


Inilipat na niya lahat ng gamit dito sa bahay namin. Hindi na din siya pumupunta pa sa condo. At tungkol naman sa parents namin. Wala pang masinsinang pag uusap talaga pero si Mommy dumalaw na sa amin minsan. Gusto nga niya na pagkapanganak ko sasamahan niya ako. Na dito muna siya mag stay sa bahay. Kasi hindi daw namin kakayanin namin ni Mark Ethan lalo at unang anak daw namin. Hindi ko pa nasasabi kay Mark Ethan lalo na ngayon at gusto niya na siya pa ang mag alaga sa baby namin.

"Hindi ba masyado mong inilalaan ang sarili mo sa amin? Hindi pa tayo kasal Mark Ethan. Baka kasi magbago pa ang isip mo"

"Baby huwag mong pakinggan ang sinasabi ni Mommy" Patuloy lang siya sa paghimas sa tiyan ko. Binalewala lang niya yung sinabi ko. Siguro ayaw lang niya makipagtalo sa isang buntis kasi alam niya na wala din siyang magagawa. "Hindi na mahalaga kung handa ka na bang magpakasal sa akin. Ang mahalaga andito ka at wala kang planong umalis. Mahal kita. Sobrang Mahal kita na handa akong maghintay. At wala sa plano ko na magbago ng isip tungkol sayo. Tungkol sa inyo ni baby. Bakit pa? Ano pang kailangan kong pag isipan?"

Lagot. Mukhang wala na siyang balak magtanong about sa kasal? At paano ako "Oo" kung wala namang tanong? Sabagay kasalanan ko din naman. Dati na pinipilit niya ang kasal nag inarte pa ako. Ngayon na handa na ako. Kuntento na siya sa kung anong meron kami at kung saan kami dadalhin.

"Ganito na lang. Pag lalaki si baby magpapakasal na ako sayo. Pag babae, pag iisipan ko pa"

Sana sumakay siya sa kalokohan na naisip ko. Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa tiyan ko. At parang may pinakikinggan. Maya maya bigla bigla na lang parang tumalsik siya.


"Malakas sumipa. Lalaki si baby. Magpakasal ka na daw sa akin Mommy"

"Adik"


Tawa lang siya ng tawa. Ang kulit lang. Kaya ayaw kong iopen ang tungkol sa parents namin kasi sobrang saya niya ng ganito kami. Ayaw ko na ulit makita na sobrang lungkot siya.


"Pero kahit babae naman si baby ok lang. sabi ko nga makakapaghintay ako."


Sabi ko nga maghihintay siya. Ako tuloy ang biglang nainip. Ako na kaya ang magtanong? Ako na kaya magyaya na magpakasal kami. O bigla ko na lang siyang hilahin para magpakasal? Tutal naman kapikot pikot naman talaga siya.


_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon