Chapter 43

131K 2.2K 59
                                    








"Akala ko ba magpapahinga tayo? Bakit mo ako pinagod?"







Nakangiting bungad niya sa akin pagmulat ng mata ko. Nakaidlip kasi ako matapos ng kanyang mapangahas na kilos.







"At ako pa talaga? Hoy Mark Ethan Valero mukhang dinadaya mo na ako ahh"








Medyo mataas ang boses na pagkakasabi ko. Para kunwaring galit ako. Pero alam ko naman na hindi uubra yun sa kanya. Yung tunay nga na galit ko ang dali daling nawala na wala pa siyang masyadong ginagawa. Yung kunwaring galit pa kaya?






"Hindi pandaraya yun kung parehas nating ginusto." Yung ngiti niya habang sinasabi yun. Nakakaloko na ewan. Yung parang ang sarap sarap niyang kurutin. "At sabi na nga ba hindi mo matitiis ang kagwapuhan ko"









"Ang yabang" Hinaplos ko ang tiyan ko. "Baby huwag kang gagaya sa Daddy mo ah.. Gwapong gwapo sa sarili"





Pero si Mark Ethan inayos niya yung sarili niya. Yung parang nakaunan siya sa akin. Pero nakaalalay pa din siya para hindi maipit si Baby. Parang inilapit niya lang ang mukha niya para makausap si Baby.








"Oo baby" Haplos din nito sa tiyan ko. "Kay Mommy ka dapat gumaya. Gwapong gwapo kasi siya kay Daddy"





Nahampas ko nga siya. At alam niya talaga na gwapong gwapo ako sa kanya?









"Baby hinahampas ako ni Mommy Oh" Patuloy lang siya sa paghaplos ng tiyan ko. "Alam niya kasi na Mahal na Mahal ko siya kaya kahit ilang hampas ang gawin niya titiisin ko."








"Huwag mong idamay si Baby sa mga banat mo."









Pumantay na siya sa akin. At niyakap niya ako. Buti na lang binihisan niya ako kanina. Masama daw sa akin ang malamigan.









"Para pag lalaki si Baby mamanahin niya yung kakornihang minana ko kay Daddy"








"Aminado ka na korni ka?"








"Lahat ng nagmamahal nagiging korni.Mas malala nga lang yung kakornihan ko pero ok lang effective pa din naman di ba?" Alam ko na masaya siya ngayon dahil magkasama kami. Halatang halata kasi sa mukha niya. Lalo siyang gumwapo. Kaya tama siya na gwapong gwapo ako sa kanya. "At sayo lang naman ako ganito."














"Paano mo nasabi na effective eh sa akin mo lang naman ginagawa? Try mo din sa iba para malaman mo ang feedback nila. Baka mainlove din sila sayo"












"Ayaw" nakanguso ito at umiling iling pa. "Hindi ko kaya sa iba. Alam mo naman na suplado ako pagdating sa kanila. Kaya para sayo lang talga ang mga yun. Saka bakit pakiramdam ko pinamimigay mo ako? Pinili mo ako pero pinagtutulukan mo ako ngayon"










"Hindi kita pinamimigay" Hinaplos ko ang mukha niya. Ang cute niya talaga pag ganito. Yung parang nagtatampo. Bihira lang yun. Cute na gwapo. "Binibigyan lang kita ng option. Baka kasi magsawa ka sa akin. Baka iwan mo ako. Tapos sa time na yun yung tipong hulog na hulog na talaga ako sayo at hindi ko na kaya na wala ka sa tabi ko. Ayaw ko lang mangyari yun. Kaya ngayon pa lang kung iiwan mo ako. Ngayon na. Habang kaya ko pa"










"Ano bang kinain mo kanina at ganyan ang iniisip mo? Iiwan? Bakit? Para na din akong nagbigti pag ginawa ko yun." kinabig niya ako palapit sa kanya at masuyong hinalikan sa labi. "saka gusto kong dumating yung time na hulog na hulog ka na sa akin. Para hindi mo na iisipin na ipamigay ako. Yung ayaw mo akong mawala sa tabi mo. Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki. Saka nakahanda nga akong magpakasal kahit anong oras,araw at kahit saan. Pumayag ka lang"











"Wala pa akong kinakain. Balak mo ata kaming gutumin ni Baby eh"









Busog pa naman ako. Kumain naman kami kanina. Sinabi ko lang yun kasi wala akong maisip sabihin matapos marinig yung mga sinabi niya. Tama sobra sobra siyang magpakilig sa akin. Kung ganun sana siya sa iba pagdududahan ko siya. Na hindi niya ako mahal, na bolero lang talaga siya. Pero hindi eh. Sa akin lang. Kaya ano nga ba ang naiisip ko para ipamigay siya?







"Gutom na ba kayo ni Baby?" Tumayo ito at inayos ang sarili. "Bibili lang ako. Magpahinga ka na lang dito. Ano ba ang gusto mo?"









"Kahit ano. Alam mo naman ang gusto ko eh"








"Bukod sa akin?"








At humalakhak pa ito. Bakit kahit halakhak niya ang sexy pa din ng dating?









"Pero seryoso? Wala ka bang gustong kainin? O pinaglilihian? Gusto kong maranasan yung mataranta sa paghahanap ng pagkain na gusto mo."










"Wala" Bakit ba siya ganyan? Dati pinapangarap ko lang siya. Ngayon naman halos pinagsisilbihan niya ako. Naging mabuti ba ako nung nakaraang buhay ko bigyan ako ng katulad niya? Hindi ako kagandahan katulad ng gandang nababagay sa kagwapuhan niya. Pero heto siya anytime handang magpakasal sa akin. "Yaan mo pag meron kahit hating gabi at kalaliman ng tulog mo gigisingin kita para ipahanap yun"









"Sabi mo yan ahh" Lumapit na ito sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi "Kahit anong oras pa yan bulabugin mo lang ako. Alis mo na ako Misis."









Nasasanay na din siya na yan ang tawag sa akin. Misis. Kailan nga ba kami magiging official? Nasa akin naman yun eh. Pero yun lang naman ang pwede kong panghawakan. Yung hindi muna magpakasal sa kanya. Yung hindi ako atat na atat na magpakasal kahit pa umpisa pa lang na mahalikan niya ako yun naman talaga ang gusto ko. Ang matali kay Mark Ethan Valero.









_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon