Chapter 11

263K 3.6K 294
                                    

Nung lumabas kami ng unit, wala akong idea kung saan ba ako dadalhin ni Mark Ethan. O masyado lang siguro akong nadistract dahil hawak hawak niya ang kamay ko simula nung lumabas kami ng unit ko hanggang makarating kami ng sasakyan niya.

"Saan tayo pupunta?"

Tanong ko sa kanya ng makasakay kami ng sasakyan niya. Hindi ko din mapigilan na pagmasdan siya kasi parang ang saya saya niya. At ang gwapo gwapo niya.

"kay Mayor"

Napakunot ang noo ko. Akala ko ba magdadate kami? Bakit kay Mayor?

"kay Mayor?"

"oo, magpapakasal na tayo"

Napanganga naman ako sa sinabi niya. As in NGANGA kung NGANGA. At napahagalpak naman siya ng tawa. Kainis. Nagbibiro lang pala. Nahampas ko nga siya tas tumalikod ako sa kanya. O para itago din ang namumula kong mukha. Shet. Masyado bang halata sa reaction ko? Na parang gustong gusto ko yung idea na magpapakasal kami?

Matagal din niya akong kinulit na humarap sa kanya. Pero nahihiya pa din ako. Isipin na lang niya na nagtatampo ako o galit ako kesa makita niya yung mukha ko na namumula. At dahil nga nagmamaneho siya, hinayaan na lang din niya ako. Kesa naman maaksidente kami dahil lang sa kalandiang pagtatampo ko.

Naramdaman ko na tumigil ang sasakyan niya. Ang pagbukas ng pinto ng sasakyan sa tapat niya at ang pagbaba niya. Saglit lang ay naramdaman ko ang kamay niya na nakalahad sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang kunin yun.

"Tara na Misis"

Nahampas ko ulit siya. Paano kasi nakakaasar na naman yung ngiti niya. Nakakaloko. Nakakapanghina ng tuhod.

Magkahawak kaming pumasok ng Mall. Tama sa isang Mall. Ito na yung labas na sinasabi niya. Yung tipong walang tao na makakakita at makakahalata sa kung anong merong sa leeg ko. Ito na yun. Ang sweet lang.

Nung tingnan ko siya nakangiti lang siya. At hawak hawak pa din niya ang kamay ko. Ala Sais pa lang ng gabi, at sobrang daming tao. Naglibot libot lang kami. Ayaw ko munang isipin kung makikita pa nila yung nasa leeg ko. Basta ang mahalaga kasama ko kung sino man ang gumawa nun.

After 30 mins ng paglalakad napansin ko na parang wala ng tao sa paligid namin. Alas nwebe pa ang sarado ng Mall kaya imposibleng wala na agad tao. May nangyari ba? Uulan ba kaya nagsiuwian na silang lahat?

"Mark.. bakit wala ng tao? Umalis na din kaya tayo?"

"Bakit tayo aalis? Pinasara ko nga tong Mall para masolo ka? Para walang taong makakita sa kung anong nasa leeg mo na sa palagay ko naman ay mas lalo kang gumanda"

Nakangiti niyang sabi.

"Pinasara mo? Mark Ethan hindi mo kailangang gawin yun.."

Sigurado ako na sobrang laking bayad nun. Ang ipasara ang Mall. Sa loob ng isang oras at kalahati? Eh sana pala hindi ko na pinangarao ang date na to? sa Bahay na lang kami.

"nagawa ko na. At gagawin ko pa din yun kung kinakailangan. Saka kami ang may ari ng Mall na ito. Madaling sabihin na for security/safety purposes kaya nagsara ang mall"

"Security Purposes?"

"Oo. Security Purposes. Kailangan kong gawin to para maprotektahan ko ang sa akin"

Hinawakan na niya ang kamay ko. Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Protektahan ang sa kanya? Ako ba yun?

Hinila hika niya ako kung saan. Andung naglalaro kami ng kung ano ano. Nakita ko yung side niya na parang bata lang. Yung parang walang problema sa mundo. Yung hindi seryoso. Yung parang hindi ako magsasawang pagmasdan siya ng ganito.

"pataasan ng score ahh? tas ang difference ng score KISS ang bayad"

Nakakalokong sabi niya. Nasa tapat kami ng Basketball Ring. At seryoso siya talaga na Kiss ang bayad? Pumayag na lang ako. Kasi kahit sinong manalo hahalikan? So anong talo ko sa larong ito? Matagal din akong hindi nakapaglaro nito kaya nga nangapa pa ako nung una. At tulad ng inaasahan. Ang layo ng score. 44 lang ang score ko. Siya 113 pts.

"wow. 69 pts difference."

Nakakalokong sabi niya. Ewan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong namula sa sinabi niya. O dahil iba ang naiisip ko sa numerong binanggit niya. Bakit kasi sa daming numbers, ayun pa.

"isa pa? makabawi ka naman?"

Umiling na lang ako. Kasi masakit na sa braso. At isa pa pagod din ako. Pinanuod ko na lang siya na maglaro pa. Para kasing hindi halata na magaling siyang magbasketball. Wala kasi sa itsura niya. Kasi yung itsura niya. Pang Model. Kung ano ano ang sinubukan niyang laruin, may mga nakuha din siyang stuff toy at iniaabot niya sa akin. Akala ko susubukan din niyang kumanta kasi ayun na lang ang hindi niya nilapitan. Ngunit bigo ako. Asa naman kasi ako na kakantahan niya ako.

Kung saan saan din kaming pumasok na kainan. Pero konti lang ang kinakain namin. Parang pagpasok naman sa mga restaurant may mga nakahanda na na pwede naming tikman. Ewan, ang khulet mag food trip, sa loob ng Mall. Pero masaya. Kahit nga siguro saan kung kasama ko siya magiging masaya ako. Lalo na at ganito siya. Yung normal na tao.

Pumasok kami sa isang stall ng cellphone. Sikat na brand ng cellphone. At nilapitan ni Mark Ethan yung pinakabagong labas na unit. May inilabas na dalawang unit yung staff at ibinigay ni Mark Ethan sa akin yung isa. Wala sa loob na kinuha yun. Inexplore. Maganda talaga siya. Naramdaman ko ang pagtunog ng camera. Pagharap ko nakatutok sa akin yung hawak ni Mark Ethan.

"Maganda nga pala camera niya."

Nakangiting sabi niya. Tas ibinaba na yun. Ako naman ibinigay ko na sa staff yung cellphone. Siguro pagkagraduate ko yun na lang ang hihingin ko kay Mommy at Daddy.

"Miss kunin ko na yung dalawang unit"

Madali namang inasikaso nung staff yung mga cellphone. Pagkaabot ni Mark Ethan ng card niya,maya maya ay lumabas na kami. Sa dalawang paper bag nakalagay yung cellphone. Hindi pa man kami nakakalayo ay iniabot na niya sa akin ang isang paper bag.

"ano yan?"

Nagtatakang tanong ko. Kasi kahit obvious pa nga na binibigay niya yun. Nakakapagtaka pa din.

"Cellphone."

Nakangiting sabi niya.

"Para saan?"

Seryoso pa din ako.

"Para sayo"

At inilagay na niya sa mga kamay ko yung isang paper bag. Wala na akong choice? Kahit nakakatuwa na may bago akong cellphone. Ayaw kong tumanggap ng mamahaling bagay mula sa kanya.

"Pero bakit?"

Hindi kami. Walang rason. Nagdate lang kami. Hindi niya ako kailanganga bayaran sa paglabas namin.

"Kasi gusto ko"

Kasi gusto niya? Napailing na lang ako. Magkaiba kasi yung "Gusto niya" sa "Gusto niya ako".

"Gagawan mo ba ng issue yan? Sabihin na natin na graduation gift ko sayo? Ok na ba?"

Tumango na lang ako. Kasi sumeryoso na siya. Nakakakaba. Ayaw kong bumalik siya sa ganyan. Mas masaya yung kaninang masaya siya. Yung parang Normal lang siya. Yung pwedeng pwede ko siyang abutin.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon