Chapter 42

144K 2.4K 102
                                    






"Mark Ethan.."







Naabutan ko siya sa may sasakyan pa din niya. Buti hindi pa siya nakakaalis. Nakakaba na baka kaya nga niya na wala ako sa buhay niya. Pero ako hindi ko ata kaya. Saka na lang ako babalik dito sa bahay namin. Pag malinaw na ang isip ni Daddy. Alam ko na naiintindihan ako ni Mommy na hindi ko sila pinili. Naranasan na din naman niya ito. Ang magmahal pero hindi ibig sabihin na nabawasan ang pagmamahal niya sa Magulang niya. Hindi makatarungan na papapiliin tayo sa parehas na mahal natin. Kung sino ba dapat ang mas matimbang. Hindi nasusukat ang pagmamahal dun. At wala pa din naman naiimbento na pangsukat sa pagmamahal. Kaya Mom at Dad sa pagtalikod ko ngayon hindi ibig sabihin mas Mahal ko si Mark Ethan. Mahirap din yun sa akin. Pero kung magiging masama akong anak para sa inyo atleast hindi doble doble ang magiging kasalanan ko. Sa gagawin ko na bigyan ng kumpletong pamilya ang magiging anak ko atleast kahit paano naging mabuting Ina ako.







"Bakit ka sumunod? Hindi makakatulong yan para mapapayag ko ang magulang mo"







Kahit ganun ang sinabi niya mababakas pa din yung biglang pagliwanag ng mukha niya ng makita niya ako. Buti na lang talaga andito pa siya. Ayaw ko na mangyari ulit na aalis na naman siya dahil sa nasasaktan siya ng dahil sa akin na wala akong magawa. Na hindi ko siya mahahanap.






"Kasi pinipili kita.."







Inalalayan niya ako na sumakay sa sasakyan niya. At pinaandar na niya yun. Hindi na ulit siya nagsalita pa. Kaya hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya. Akala ko sa condo niya kami uuwi. Kasi dalawang oras na biyahe yun at iniisip ko pa lang na hindi siya magsasalita ng ganun katagal.. mababaliw ako. Pero nagulat ako nung tumigil kami sa tapat ng isang Five Star Hotel after 30 minutes. Hindi na ako nagsalita hanggang sa pag aasikaso niya ng pag checheck in namin. Kahit na andito na kami sa loob ng kwarto.






"Mark Ethan.. "






"Magpahinga muna tayo dito. Hindi ko kayang magmaneho. Baka maaksidente lang tayo" niyakap niya ako "Akala ko matagal bago kita makasama ulit. Kahit alam ko na galit sila sa atin masaya ako na pinili mo ako. Kaya mula kanina na takot na baka hindi na kita makakasama hanggang sa saya na pinili mo ako. Hindi ko na alam ang lagay ng puso ko. Kaya pahinga muna tayo"






"Akala ko galit ka.."





Nakakatakot talaga na hindi siya nagsasalita kanina. Ayaw ko ng ganun siya. Ayaw ko ng nasasaktan ko siya. Yun ang huling bagay na magagawa ko nung Mahalin ko siya. Pero sa hindi sinasadayang pagkakataon lagi ko na lang siyang nasasaktan.









"Galit?" Inilayo niya ako sa kanya. At masuyong hinaplos niya ang mukha ko. "Kahit kailan hindi ko magagawa na magalit sayo. Kumbaga nung Minahal kita pina disable ko yung galit na pwede kong maramdaman ko sayo. Magtatampo ako pero hindi ako magagalit"







"Pero sabi nila The More you hate the more you Love.."






"Kailan ba ako naniwala sa sabi sabi ng kung sino sino?" Hinalikan niya ako sa noo. "Ang pinapaniwalaan ko lang ay yung sinasabi ng Puso ko."






Iginiya niya ako papuntang kama. Inihiga niya ako at tumabi siya sa akin at niyakap niya ako. Matagal na din na hindi niya yun ginagawa. Nung nasa bahay nila kami. Magkatabi kami sa kama. Pero malayo siya sa akin.






"Magpahinga muna tayo" Masuyo niyang hinaplos ang tiyan ko. Wala pa namang umbok yun. Pero sa paraan ng paghaplos niya para bang nararamdaman niya kung nasaan ang anak namin. "Ayaw ko na napapagod kayo ni Baby."









ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon