Chapter 52

125K 2.2K 97
                                    


Bago kami pumunta sa mga magulang ko. Nakipag usap muna kami sa magulang ni Mark Ethan. Close talaga siya sa Mommy niya. Maluha luha kasi ito nung humingi siya ng tawad dito. Sa pambabalewa at pagtitikis nitong mga nakaraanh araw.


"Anak hindi pwedeng ganyan ka sa asawa mo. Na pagnagtampo tampo talaga. Anak kita kaya natiis kita pero kung ikaw ang Daddy mo lalayuan kita"


"Janine, para namang kaya kong magtampo sayo. Kaya hindi mangyayari na lalayo ka sa akin"

Nakangiting sabi ng Daddy niya. Kitang kita mo talaga yung pagmamahal nila para sa isat isa. Sana ganyan din ang mangyari sa amin ni Mark Ethan. Sana hanggang sa magkaapo kami papakiligin pa din niya ako sa mga salitang bibitawan niya.

"Sorry Mommy. Nawala ako sa sarili ko ng muntik ng mapahamak ang mag ina ko. Hindi na po mauulit."

"Kailan ang kasal? Mauuna pa ata kayo sa Ate mo. Sabagay ang bagal bagal naman kasi ng boyfriend ng ate mo."


"Pag uusapan pa po namin. Saka makikipag usap pa po kami sa Parents niya. at Mommy huwag kang makampante kay Jace. Baka pag uwi nung dalawa kasal na sila at buntis na si Ate. At kailangang malaman ko agad kung kasal na sila kasi ayaw ko naman na sukob kami ng taon. Hindi naman sa naniniwala ako dun pero mabuti ng mag ingat"


"Saka Tita pag magaling na po ang kamay ng anak niyo saka po ako magpapakasal sa kanya"

Napatawa na lang si Mark Ethan. Medyo paga pa kasi ang kamao nito.

"Mag ama nga kayo ni Ethan Jacob. May mga pasa nung ikinasal."


"Para sa babaeng Mahal namin handa kaming magpabugbog o magkasugat makasigurado lang na wala na silang kawala"

At nag high five pa yunh dalawang Ethan sa buhay namin. Ang baliw lang. Ang baliw lang na nakakakilig. Kasi ang gwapo nila kung tutuusin hindi na nila kailangang makipagbasag ulo o saktan ang sarili nila para sa mga babae. Pero ginawa pa din nila. Kaya ang swerte lang namin ni Tita. Kasi Minahal kami ng dalawang ito.


"Dapat Normal Delivery ka"


Nasa biyahe na kami papunta sa bahay namin. At medyo nagulat ako sa sinabi niya. Andun naman siya every check up ko at medyo hindi pa nakaposition si baby. At ayaw ko din munang isipin yung panganganak ko. Ayaw kong pangunahan ng takot at kaba. Alam ko na hindi magiging madali yun. At sabi ni Mark Ethan sasamahan daw niya ako sa delivery room kahit anong mangyari. Kaya kahit papaano unti unti nawawala ang kaba ko kasi alam ko na hindi ako mag isang haharapin ang panibagong yugto ng buhay ko. Ang pagiging Ina.

"At bakit gusto mo normal delivery? Kasi ayaw mong magkatahi ako sa tiyan? Hindi na ba ako magiging kaakit akit sa paningin mo pag nagkataon?"


"Hahaha ayan ka na naman" Inabot niya ang kamay ko. Dinala niya yun sa may labi niya at masuyo yung hinalikan. Pero yung mga mata niya hindi naman naalis ang tingin sa daan. Simula nung nalaman niya na buntis ako naging mas maingat siya sa pagmamaneho pag magkasama kami. "Kasi pag Normal Delivery pwede sundan agad. Pag CS ka matatagalan ang pagbuo ko ng GILAS 6.0"


Agad kong binawi ang kamay ko at masuyo siyang kinurot. Pero dahil nagmamaneho nga siya hindi ko siya makurot ng madami. At Basketball Team talaga ang gusto niya?


"ang dami naman. Makakaya ko ba yun?"

"Ako bahala. Ako naman ang gagawa. hahaha"

Medyo namula ako sa sinabi niya. Sabagay siya naman talaga ang magpapakapagod na gawin yun. At kung kasing gwapo niya ang magiging tatay ng Future Basketball Player, hindi malabong pagkaguluhan ang mga anak ko.

Pero nakakatuwa lang na masaya si Mark Ethan ngayon. Hindi kakabakasan na kinakabahan siya sa muling paghaharap nila ng magulang ko. Siguro kasi pumayag o hindi sila alam ko na matutuloy ang kasal namin. Alam ko na hindi papayag si Mark Ethan na humadlang na naman sila. Kaya din siguro siya masaya kasi ayos na sila ng Mommy niya. Kaya nakakatuwang pagmasdan siya ngayon. At hindi ako magsasawa na titigan ang mukha niya na sobrang saya. Kakapalan ko na ang mukha ko pero natutuwa ako na isa ako dahilan kung bakit masaya siya ngayon. Kaya kahit ano mang mangyari mamaya iisipin ko lang ang mukha niya ngayon alam ko na agad kung anong desisyon ko. Hindi ko hahayaang hadlangan ng kahit sino ang pagkakataon na makita ang masayang mukha niya sa araw araw hanggang sa huling araw ng buhay ko.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon