Chapter 6

294K 4K 426
                                    

Kasalukuyan kaming nakatambay sa may hallway ng building namin. Kung ano anong napag usapan, dahil nga sa wala na masyadong ginagawa pag fifth year at bibihira din ang nagbabagsak ng graduating. Kumbaga naranasan na namin lahat ng hirap na pwedeng maranasan ng isang engineering student. Nakarating na kami sa huling sem. Kumbaga formality na lang.. graduate na kami.

"uy si kuya Mark"

Nagulat ako sa sinabi ng classmate ko. At napalingon din sa direksiyong tinitingnan niya. Tama si Mark Ethan nga. Bakit siya nandito? Oo lagi siyng pumupunta pero tuwing hinahatid at sinusundo niya lang ako. Hindi siya kailanman pumasok sa university.

"Baka isa siya sa magiging panel natin sa design at thesis, kaya pumunta siya dito. "

Posible naman yun. Kasi kalimitan na alumni yung kinukuha nila para magpanel pag nagdedefense ng thesis. Kaso ilang buwan pa bago mangyari yung Defense namin. Kaya hindi ko alam kung bakit siya nandito.

"Kuya Mark! Kamusta? ang gwapo natin ahh?"

Napailing na lang ako sa sinabi ni Maan. Oo, lagi niyang sinasabi na crush niya si Mark Ethan. Na inggit na inggit siya sa akin nung Third Year kami kasi si Mark Ethan ang Master ko. Kaya ang pagpapakita ng harap harapang pagkagusto sa binata ay hindi na bago sa akin. Sana katulad ko siya. Yung matapang na ipakita yung nararamdaman.

"wala akong magawa kaya napadaana ako. Balita ko madaming magagandang junior ahh?"

Nakangiting sabi niya. Kaya naman hindi mawala lalo ang ngiti ni Maan. Yung tipong kilig na kilig siya. At nakakainggit yung ngiting yun ni Mark Ethan. Kahit kailan hindi niya ako nginitian ng ganun. Kahit anong gawin sa kanya nanatiling seryoso ang pakikitungo niya sa akin.

"Magaganda naman lahat kami Kuya. Gusto mo bang makita sila?"

Lumapit si Maan sa kanya at hinawakan si Mark sa braso niya. Para igiya kung saang direksyon nandun ang mga 3rd year. Naghahanap na ba siya ng ipapalit sa akin? Sabagay hindi naman siya mahihirapang gawin yun. Ako nga nahulog sa kanya eh estudyante panlang siya. Eh di lalo ng magkakandarapa ang mga 3rd year sa kanya kasi, Engineer na siya. Maayos na trabaho. At higit sa lahat mas gwapo siya ngayon.

"Maan, una na ako ahh. May gagawin pa kasi ako."

"agad? hindi mo man lang ba namiss Kuya Mark?"

Hindi ko ba siya namiss? Sa araw araw naming magkasama namimiss ko pa din siya. Yung ang lapit lapit niya pero namimiss ko pa din siya. Yung kahit siguro magkatabi kami namimiss ko siya. Mahirap kasi na kasama mo ang mahal mo pero hindi mo alam kung anong nararamdaman niya. Yung pakiramdam na ang layo layo niya.

"Hello Kuya.. pasensya na po. pero kailangan ko ng umalis"

Hindi ko alam kung paano ko natapos yung sinabi ko. Na pinipigilan ko na huwag mahalata na kinakabahan ako. Na nagawa kong salubungin yung seryoso niyang mukha. Hindi siya nagsalita. Kaya tumalikod na ako. Bakit ang dali dali sa kanya na ngumiti sa iba? Pero sa akin nanatili siyang suplado. Ano pa bang kailangan kong ibigay para sa ngiti niya?

Ayaw kong umiyak. Pero nagkukusa na lang kasi yung mata ko. Mabilis ko itong pinahid, ayaw kong makita ng iba na umiiyak ako. Na mahina ako. Kahit sa loob ko hindi ko alam kung kaya ko pa. Kung hanggang kailan ko makakaya.

Bago pa ako nakarating sa may gate ay naharang na ako ng classmate ko na lalaki at pinilit na sumabay sa kanya. Si Julian. Ang hindi nagsasawa na magsabi na gusto niya ako. Kahit ayaw kong sumakay sa sasakyan niya, inisip ko na lang na kailangan kong lumayo sa lugar na ito. Kung nasaan si Mark Ethan na nagpaplanong palitan na ako.

"umiyak ka ba?"

Umiling na lang ako. Kasi hindi ko naman din masasabi kung bakit ako umiyak.

"Napuwing lang"

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon