Chapter 29

179K 2.8K 146
                                    

"Hindi ba talaga pwede?"

Simula nung umalis kami sa unit niya ay kinukulit ko siya. Tungkol sa group study namin ng mga classmate ko. At overnight yun. Akala ko dati ok lang sa kanya yun. Sabi pa nga niya basta kasama siya. Ok lang din naman sa akin na sumama siya. Malaking tulong siya sa pagrereview namin. Pero ayaw niya.

"Papayagan kita pero hindi overnight. Pag inaantok ka na susunduin ko na ikaw"

"Syempre pag inantok iidlip tapos pagnagising magrereview na ulit. Ganun naman di ba? Kaya nga Group study. Para magshare ng idea. Para may mapagtanungan"

"Hindi dahil wala akong tiwala sayo o dahil alam ko na magseselos ako kaya ayaw kong pumayag. Masyado mong pinapagod ang sarili mo sa pagrereview. Tapos magoovernight ka pa?"

Seryosong sabi niya. Ihahatid niya ako ngayon sa review center. Tama naman nga siya. Halos gabi gabi mga 11 na ako natutulog. Tapos gigising ng maaga.

Pagkapark niya ng sasakyan ay hinarap niya ako sa kanya. Masuyong hinaplos ang pisngi ko.

"Tingnan mo nangangalumata ka na. Buti sana kung ako pumupuyat sayo"

Nakakalokong sabi niya. Kinurot ko siya sa tagiliran niya at agad din naman niyang hinuli yun at dinala sa labi niya para hagkan. Yung halik mula palad ko bumaybay hanggang sa siko ko. At nung magtapat ang aming mukha ay inangkin niya ang mga labi ko. Buti na lang talaga tinted ang sasakyan niya. Kaya malaya kong sinagot ang ginagawa niyang paghalik.

"Napapabayaan mo na ang sarili mo. Pati sa akin wala ka ng oras. Buti pa dati halos gabi gabi napaparamdam ko yung pagmamahal ko. Tapos kung kailan naging tayo. Once a week na lang"

Mahihimigan mo ng pagtatampo ang bawat salitang binitawan niya.

"Anong gusto mong iparating Engr. Mark Ethan Valero? Na mas gusto mo nung hindi pa tayo? Nakikipagbreak ka na ng lagay na yan?"

"Oo aminado ako na baliw na baliw ako sayo pero hindi pa ako nasisiraan ng ulo para isipin na makipagbreak sayo" Medyo pinisil pa niya ang pisngi ko. "kaya nga nagtitiis na lang ako sa yakap at halik tapos mag oovernight ka pa?"

Dahil maaga pa naman para sa review kaya hindi muna ako lumabas sa sasakyan niya. At gusto ko din siyang makausap. Naiilang pa din kasi ako hanggang ngayon.

"Hindi ka kaya manawa sa akin? sabi mo dati halos gabi gabi nga. Tapos wala ka pa ding experience sa iba. Hindi kaya dumating yung puntong magigising ka na lang na umay sa sitwasyon natin? Na lagi na lang ako ang kasama mo? Paano pala kung hindi ako ang para sayo? Paano pala kung napalampas mo yung para sayo dahil ikinulong mo ang sarili mo sa akin? Hindi naman malabong mangyari yun di ba?"

Kahit medyo kinabahan ako sa bigla niyang pagseryoso hindi ko pa din inalis ang tingin ko sa kanya. Nakakakaba na masyado kaming masayang dalawa. Kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko kung sakaling may kahihinatnan ang kaligayahan namin. Wala naman permanente sa mundo. Kahit ang damdamin ng tao nagbabago.

"Ano pa ba ang kailangan kong gawin para mawala lahat ng pagaalala mo?" Hinawakan niya ang mga kamay ko. Yung boses niya malumanay. O siguro yun ang kailangan ko. Kasi kung sasabayan pa niya ako na hindi matino ang pag iisip baka magkagulo lang kaming dalawa. "Ilang taon bago ko nasabi sayo na Mahal Kita. At wala akong balak bawiin yun kahit kailan. At wala din akong balak na sabihin yun sa iba. Kung totoo man na nakalampas na yung para sa akin dahil ikinulong ko ang sarili ko sayo.. hindi ako magdadalawang isip na palampasin ulit siya kung sakaling babalik siya. Paulit ulit kong itatago ang sarili ko kasi masaya na ako sa Mundo na ikaw ang kasama."

Hindi ko na magawang magsalita pa. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Parang gusto kong maiyak. Hindi ko akalain na darating sa punto na yung inaasam kong pagmamahal niya ay sobra sobra pa yung ibibigay niya.

"Mahal mo talaga ako?"

Medyo garalgal na yung boses ko. Kahit nararamdaman ko naman na seryoso siya hanggang ngayon kasi hindi pa din ako makapaniwal. Akala ko habambuhay akong aasa.

"Mahal na Mahal na Mahal na Mahal. Na hindi ako magsasawang sabihin yun. Gaya ng hindi ako kailanman magsasawa sayo. Saan mo ba nakukuha ang ganung idea?"

Umiling lang ako. Hindi ko magawang magsalita pa. Yung isang salita nga sobrang kilig ang hatid eh yung apat pa?

"At pakiusap huwag kung ano ano ang isipin mo. Nakakatakot kasi." Medyo sumeryoso ito "Iisipin ko na lang na dala yan ng kaba mo sa pagrereview at sa nalalapit na exam mo kaya bigla mong nasabi na hindi ka para sa akin at darating sa puntong mananawa ako sayo. Kasi hindi mangyayari yun. Sigurado ako doon. Sa lahat ng bagay na may kinalaman sayo sigurado ako"

"Sorry. Siguro konting panahon pa masasanay din ako na Boyfriend na kita. Na Mahal mo ako." inayos ko na ang sarili ko kasi malapit ng magsimula ang review. "Mahirap kasing kumawala sa tatlong taon na nabuhay ako na Alipin ang turing mo. Oo hindi literal na ganun. Pero yung takot at sakit na naranasan ko sa panahon na yun hindi ko maalis agad agad."

"Alam ko naman yun. Panget ang naging umpisa natin." hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya nga naiintindihan kita. Kaya nga wala akong karapatang masaktan kung pinagdududahan mo man kung anong meron tayo. Pero isa lang ang hiling ko. Huwag mo akong bibitawan. Aalisin ko lahat at takot sa puso mo. Kasi seryoso talaga ako sayo."

Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi bago ako lumabas ng sasakyan niya. Sabi ko gusto ko siyang makausap. Pero hindi ko pala kaya ng ganyan kaserysong usapan. Hindi ko kaya yung mga lumalabas sa bibig niya. Yung kilig na hatid noon. Siguro konting panahon lang naman ang kailangan ko para paniwalaan ang lahat ng ito. Naniniwala din naman ako na Mahal talaga ako ni Mark Ethan. Siguro kailangan ko lang masanay sa lahat ng pagpapakilig niya. Sa I wala sa lugar na pagseselos niya. Nakakatawa lang na kaya naging kami ay dahil Mahal niya ako. Nung aminin niya na Mahal niya ako. Parang ako pala ang nanligaw sa kanya? Sabagay nauna naman talaga ako na magsabi ng katagang yun. Sinagot lang niya.

"Engineer" Napalingon ako kasi boses ni Mark Ethan yun. Hindi pa naman ako ganun nakakalayo sa sasakyan niya. "Handa akong ibigay sayo ang lisensya para itali mo na ako sayo"

"Makakapaghintay yang lisensyang yan Mark Ethan. At yan ang plano kung kunin sa sunod"

Tumalikod na ako sa kanya. Grabe lang. Kung ano anong naiisip ng lalaking yun. Kung ano anong biglaang inaalok. Nagrereview ako para sa PRC license. Gusto agad niya Marriage License ang ipasa. Ang adik lang. Ang adik sa pakiramdam. Makakapagreview kaya ako ng lagay na to ngayong araw? Kung ang utak ko ay okupado ni Mark Ethan.

_casper_

---------------------------------------

If gusto niyo pong sumali sa FB Group click niyo lang po yung nasa profile ko. Salamat.

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon