Chapter 54

137K 2.3K 101
                                    


"Saan naman tayo pupunta Mark Ethan? Hindi ka pa ba napapagod gumastos? Ang dami na nating pinamili kay baby kahapon"


Paano nalaman namin kahapon na little Mark Ethan nga itong nasa sinapupunan ko. Seven Months na kasi kaya nagpa ultrasound ulit ako para sure sa gender ni baby. Ok naman ang position niya. Maglakad lakad daw lang ako para sure na normal delivery ako. Pagkagaling namin sa Clinic masyado atang excited itong kasama ko kasi kinumpleto na ata ang gamit ni baby. Stroller, Crib, yung sa car seat, ang nasa isip ko pa naman sa mga lolo at lola magiging spolied itong anak ko mukhang mangunguna ang ama sa pagbibigay ng luho dito.


"Kahapon para kay baby yung pinamili ko. Ngayon naman magdedate tayo. Bawal ba yun mahal ko?"

Yung ngiti niya parang nakakalokong ewan. Yung sagad sa buto yung hatid na kilig. Parang hindi buntis yung sinasabihan niya,yung parang ang seksi seksi ko na kailangan niya pa talaga akong pakiligin. Kaya ilang beses ko na bang sinabi na napakaswerte ko dahil ako ang minahal niya. Na ako ang pinili niyang makasama hanggang sa pagtanda niya. Sa akin niya inalay ang apelyido niya.

"Eh sa laki ng tiyan ko? kailangan pa ba?"

"Bakit ba? Hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sayo kahit malaki na ang tiyan mo. Mahal na Mahal kita."

Ewan ko hindi ko din naman mapigilan na hindi ngumiti sa idea na magdadate kami. Nung una kasi na nagtatago pa kami wala naman talagang pagkakataon na magdate kami. Tapos nung official na kami naging busy naman ako sa pagrereview ko. Kaya hindi talaga kami nakapagdate. Kaya ngayon nakakatuwa din na naiisip pa niya ang ganito. Na kahit malaki ang tiyan ko at sinong mag aakala na sa itsura niya ay magiging ama na siya pero wala siyang pakialam basta magkasama kami. Kaya ng pumasok kami sa mamahaling restaurant hindi na ako nagreklamo pa. Lalo at hindi naman niya binibitawan ang pagkakahawak sa kamay ko. Kahit halos lahat ng kababaihan napatigil talaga nung makita siya parang hindi alintana sa kanya yun kasi yung buong atensiyon niya ay nasa akin.


Konti lang naman ang inorder niya. Kasi medyo sinabihan kami ni Doktora na huwag masyadong kumain ng madami kasi baka lumaki ang bata. At baka mahirapan akong manganak. Kaya tamang kwentuhan lang kaming dalawa. May panaka nakang hinahawakan niya ang palad ko at pinipisil yun.


"Sigurado ka na ba talaga na magpapakasal sa akin?"

Gusto ko sanang humagalpak ng tawa kasi pailang beses na niya akong tinanong tungkol doon. Simula ng pumayag ang mga magulang ko walang araw na hindi niya ako tinatanong pero kakaiba ang paraan ng pagtatanong niya ngayon. Medyo seryoso at hindi ko alam pero parang may kung anong gagawin siya.


"Pang ilang tanong mo na ba yan? Nagbago ba ang sagot ko? Seryoso nga kasi ako na magpapakasal na sayo"


May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya. Medyo tinagalan pa nga niya ang pag angat ng kamay niya tas nakakaloko yung ngiti niya.


"Huwag mong sabihing Engagement ring yan Mark Ethan?" Medyo napalakas ang boses ko tas pinakita ko sa kanya ang mga daliri ko. "Pataba ng pataba ang mga daliri ko. Paanong magkakasya yan?"


"HAHAHA ang cute mo talaga. Kaya Mahal na Mahal kita. Paano pa ako magsisimula sa pagpropose ko? Eh inunahan mo na ako?" Tapos kumindat pa ito. Grabe pwede naman na hindi niya ako pakiligin ng sobra sobra hulog na hulog na nga eh. Pero hind pa man naproprocess ng utak ko ang binabalak niya ay nasa may tabi ko na siya at dahan dahang lumuhod. Mark Ethan di ba sabi ni Doc bawal ang sobrang emosyon? Bakit ganito? Hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. At ang mga luha na namumuo sa mga mata ko. Kailan ba ako masasanay na ganito siya? Na sobrang magparamdam ng pagmamahal. Yung mga tao sa paligid parang nag usap usap tumigil sila sa pagkain at kanya kanyang labas ng cellphone.


"Tumayo ka na dyan.. Hindi mo kailangang gawin kasi.."

Hindi naman sa kinahihiya ko ang ginagawa niya pero para sa katulad ko na ayaw masyado ng atensiyon ng karamihan, nahihiya talaga ako.

"Lahat na lang ng tungkol sa atin naging napakabilis. Hindi ako nanligaw ng maayos. Kaya kahit ito man lang hayaan mo na gawin ko ng tama." Hinawakan niya ang kamay ko. Yung kaninang namumuong luha ngayon ay pumatak na talaga. Yung paraan ng pagtitig niya. Kahit hindi niya sabihin ang tatlong salitang yun ramdam na ramdam ko pa din ang pagmamahal niya. "Mahal Kita. Matagal ko bago nasabi ang katagang yan. Pero hindi ko pagsasawang sabihin sayo lagi lagi. Hindi ako perpekto, madami akong maling desisyon sa buhay ko. Ang totoo ikaw lang ang tama at sigurado ako." Hinalikan niya ang kamay ko. Yung parang paghalik ng isang prinsipe sa isang prinsesa noong unang panahon. "Master mo ako dati pero ang totoo ako ang Alipin mo. Naging sunod sunuran ako aa tinitibok ng Puso. Sobrang Mahal kita. Kaya huling pagkakataon na magtatanong ako. At hindi na kita papakawalan pa. Pumapayag ka na ba talaga? Na Magpakasal sa akin?"


Inilahad ko lang ang kamay ko aa kanya. Alam ko na once na magsalita ako maiiyak lang ako. Ngumiti lang sa akin si Mark Ethan at binuksan na niya yung lalagyan kung saan andun ang simbolo ng simula ng aming buhay bilang iisa. Isinuot niya yun sa kamay ko, oo sa kamy ko. Hindi singsing kundi bracelet ang inilagay niya. May nakaukit na "Future Mrs. Valero". Kasyang kasya lang siya sa akin. Pero hindi kagaya ng singsing na BILOG na sumisimbolo ng walang hanggan ito ay pwede mong iadjust. May locked din ito.


"Yan wala ka ng kawala Mahal ko." Tas pinakita niya yung suot din niya na kaparehas ng binigay niya sa akin. "Ang tanging makakapagbukas niyan ay siyang nagdudugtong dito."

Napailing na lang ako. Tas hinila ko siya na tumayo na. Pero narinig namin ang tunog ng kutsara at baso sa aming paligid. Bigla akong namula. Pagtingin ko kay Mark Ethan ang lapad lang ng ngiti niya. Hindi pa man ako nakakahuma sa kinatatayuan ko nakabig na niya ako at masuyong hinalikan. Kasabay ng palakpakan sa aming paligid. Kahit nahihiya ako sa mga nangyayari hindi ko maatim na hindi tugunin ang halik na binibigay niya. Halik na puno mg pagmamahal. Kaya napatagal ang halik na yun. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang mukha ko matapos yun. Pero pagtingin ko kay Mark Ethan medyo nangingilid na mata niya. Ang iyakin din talaga ng Mahal ko.

"Wala ng bawian"

Hinila ko siya palapit sa akin at ako ma mismo ang humalik. Ako pa ba ang aatras sa kasalang magaganap? Hindi ko alam kung paano kami nakalayo sa lugar na yun. Ang sigurado ko lang sobra naming dalawa. Kakaibang saya ang nababakas din sa mukha ng mapapangasawa ko. At masaya ako na mapaligaya siya ng ganito. Malapit na nga talaga. Magiging MRS. VALERO na ako.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon