Epilogue

174K 3.3K 442
                                    

"Bakit diyan ka nagtitingin? Dito ka sa Top 10"

Nakangiting sabi ni Mark Ethan. Hindi ko alam kung bakit nakukuha pa niyang ngumiti samantalang ako kanina pa hindi mapakali. Kakarealese lang kasi ng result ng Board Exam. Ang katuparan ng aking Pangarap. Mahaba haba naman ang naging pagrereview ko. Sa bahay nga lang ako nagreview. At si Mark Ethan ang nagturo sa akin. At hindi ko din naman kaya na malayo sa anak ko ng matagal. Kaya habang inaalagaan namin siya sinisingit namin ang pagrereview. Naimagine ko tuloy na nakikinig siya sa amin ng Daddy niya. Wala pa siyang kamuwang muwang puro Engineering Terms na ang naririnig niya. Pero malay natin yun din ang tahakin niyang kurso. Engr. Ethan Marco Valero. Bagay anak. Halos siyam na buwan na din siya. Kaya eto habang nagkakagulo kami ng Daddy niya tahimik lang siyang nakikinig.

Tuwang tuwa ang mga bagong lolo at lola ng ipinanganak ko si Marco. Kamukhang kamukha ng Daddy niya. Walang sinong magdududa na hindi niya anak yun. Kung ganun daw kagwapo ang anak niya dalian na daw namin ang paggawa ng kapatid ni Marco. Halos kakakabawi ko pa lang ng lakas ng katawan matapos manganak. Normal Delivery. Kaya kahit gusto kong kurutin si Mark Ethan dahil sa sinabi niya hindi ko nagawa. Sabi nila pag nanganganak daw ang isang paa mo nasa bingit ng kamatayan. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag yung sakit na naramdaman ko nung oras na yun. At hanggang ngayon hindi ko pa din maisip na nakaya ko yun. Na nanganak na ako. Na ang pogi pogi ng anak ko.

"Maya na lang natin kaya tingnan kung pumasa ka?"

Hindi pa din mawala ang ngiti niya. At inilipat pa niya sa Facebook para mawala sa tingin ko ang result ng Board Exam.


"Mark Ethan.."


Ang totoo? Bakit ngayon pa niya naisip na mangulit? Yung kaba ko sobrang nag uumapaw na. Pero hindi niya binalik sa website. Bagkus nanatili siya sa Facebook, Tapos may balak pang mag status? Pero hinayaan ko lang siya. At hindi din naman niya inilayo sa akin kung anong tinatype niya.

"Bakit ka ba kinakabahan Engr. Valero? Baka mapressure si Marco niyan. Top 1 and Top 2 ang Daddy at Mommy niya"

Hindi pa man niya nacliclick ang "Post" eh kinuha ko na yung laptop sa kanya. Ang baliw lang. Pero agad kong pinuntahan yung website na binuksan niya kanina. At andun nga. Top 2 nga ako. Valero. Ako nga yun. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa kaso nasa lap ko si Marco. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Mark Ethan na pinupunasan ang pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako.


"Kung ayos sana pagrereview mo. Baka nag top 1 ka pa"

Umiling na lang ako. Masaya na ako na nakapasa. At ang naging resulta ay sobra sobra na.

"Mas gusto ko na Top 1 sa buhay mo"

Napatawa na lang siya. Bakit hindi? Linya niya yun.

"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Sabi sayo kaya mo yan. At kung gusto mo na magtrabaho. Kahit hindi sa company. Ok lang sa akin. Medyo malaki na naman si Marco. At ok lang kay Mommy na mag alaga siya sa apo niya."


Medyo napaisip ako sa sinabi niya. Alam ko na ayaw niya na ulit na pangunahan ako sa desisyon ko.

"Pag iisipan ko Mark Ethan." Hinawakan ko ang kamay niya. "At kung sakaling magtatrabaho man ako. Gusto ko din naman na sa Company niyo. Pangarap ko din naman na makapagtrabaho sa isang Company na magagamit ko ang pinag aralan ko. Kaya sana sa Interview ko sayo sana makapasa ako"

"Baka hindi na ako makapagtanong sayo pag nagkataon? Kasi baka sa halip na ikaw ang kabahan. Ako yung pinagpapawisan sa harap mo"


Ang kulit lang. Pero paano nga kaya yun? Baka hindi din ako makapagsalita kasi sobrang gwapo ng mag iinterview sa akin. Baka yun ang pinakatahimik na interview na magagawa niya.


Mark Ethan. Sino nga bang mag aakala? Lahat ng pangarap ko unti unti ng natupad. Maging Engineer. At ang mahalin mo. Pero hindi lang yun ang nangyari. Naging asawa pa kita. Sobra sobra na kung tutuusin. Meron pang bonus na sobrang pogi na anak. Ano pa ba ang hihilingin ko? Parang hindi ko alam kung paano ko makakabawi sayo Mark Ethan. Parang kulang pa ang sarili ko para sa lahat ng naibigay mo. Para sa pagmamahal na inalay mo. Para sa pagpapsaya sa akin. Sa pag aalaga sa amin ni Marco. Kaya ang maipapangako ko lang ay yung palaging andyan para sayo. Ang 100% ko. ALL of ME.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon