Chapter 39

146K 2.4K 95
                                    











Iniwan muna ako ni Mark Ethan sa bahay nila. Kumuha kasi siya ng gamit namin kasi ayaw pumayag ng Mommy niya na umuwi agad kami. Tutal naman daw hindi na ako magrereview dun na lang muna daw kami tumigil. Para daw mapag usapan din namin kung paano sasabihin sa magulang ko ang sitwasyon.









Andito ako sa sala kasama ang Mommy niya. Si Ate Nyah kasi ay umakyat muna saglit kasi may gagawin pa din daw siya. Yung Daddy niya hindi pa din dumadating. Hindi ko din alam kung ano magiging reaction ng Daddy ni Mark Ethan. Kasi napakaseryoso niya. Sana maging kakampi siya ni Mark Ethan kasi napagtulungan na siya kanina ng Mommy at Ate niya.









"Mahal mo talaga ang anak ko?" May inabot siya na photo album. "Kasi tama si Nyah. Kung sa akin din ginawa yan lalayo ako. Aminin na natin mapride tayong mga Engineering ang tinapos. Kaya nga yun ang kinuha natin kasi gusto natin yung idea na makikipagsabayan tayo sa mga lalaki. Na walang babae at lalaki sa course natin. Kaya below the belt talaga ang ginawa sayo ng anak ko"








"Tita pangarap ko nga po yung hinadlangan niya." Pagbukas ko ng Album nakangiting batang Mark Ethan ang nakita ko. "Pero hindi ko po kakayanin na pati yung isang pangarap ko mawala din. Ang makasama ang anak niyo. Hindi naman po ako magiging masaya kung magagalit ako sa kanya. Kung iiwan ko siya. Saka yung alam niya na galit ako sobrang nasasaktan na siya. Nasasaktan din po ako na makita na ganyan siya kalungkot." Pinakita ko yung picture ni Mark Ethan. "Itong ngiti niya po na to ang dahilan kung bakit ko siya minahal. At hindi ko po maatim na hindi ko na makikita itong ngiting ito"









"Hindi ko naman akalain na magiging ganyan katorpe ang anak ko." Nakangiting sabi ni Tita. "Akala ko talaga gwapo din ang gusto niya kaya wala akong nakikitang babae na kasama niya. Kaya nga sobrang tuwa ko lang nung makilala kita. Muntik na siyang pagbuhatan ng kamay ng Daddy niya nung ipasara niya ang Mall. Pero nung malaman ko kung bakit niya pinasara. Ok lang naman pala"









"Sorry po about dun Tita. Wala po talaga akong idea sa ginawa niya. Ang alam ko lang mamasyal kami. May mga desisyon po si Mark Ethan na pabigla bigla. Pero nakakaya naman niya pong lusutan."










"Katulad ng sitwasyon niyo. Akala niya sapat na yan para matali ka sa kanya. Padalos dalos" Napailing na lang ang Mommy niya. "Pero sa huli alam ko na magiging mabuting ama siya at asawa sayo."






"Alam ko naman po yun Tita. Maasikaso po si Mark Ethan. Pero hindi po ba kayo nagagalit o nagtatampo sa kanya kasi sobrang bata niya pong mag aasawa?"










"Sabi ko nga akala ko dati gwapo din ang gusto niya. Kaya natutuwa ako na isipin na magkakaanak na kayo. At banda banda diyan ay ikakasal"






Mabait talaga ang Mommy ni Mark Ethan. Hindi naman ako papayag na magpaiwan dito kung hindi ko siya makakusap ng ganito. Yung pwede kong sabihin lahat sa kanya na may kinalaman si Mark Ethan.







"Kung hindi ka komportable na magkatabi tayo maya sa pagtulog kahit diyan na lang ako lapag"





Pagkadating ni Mark Ethan ay agad kaming pinapasok ni Tita sa kwarto. Magpahinga muna daw kami. At para makita ko din ang kwarto ni Mark Ethan.



"Ok lang naman sa akin na tabi tayo Mark Ethan. Nakakahiya kaya na kwarto mo to tas sa sahig kita papatulugin."










"Kwarto mo din to. Kasi lahat ng pagmamay ari ko ay sayo din. Nauna na nga ang Puso ko di ba?"







Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Nag uumpisa na siyang bumanat. Mas gusto ko yun kesa seryosong seryoso siya.







"Naniniwala ka ba sa Forever Mark Ethan?"







Tumabi siya sa akin. Nakaupo kasi ako sa kama niya. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil ito.







"Hindi"







Akala ko oo na ang isasagot niya. O masyado lang akong nag expect na babanat siya. Masyado akong nag expect sa kilig na pwede kong maramdaman. Baka tama nga sila. Walang Forever.







"Madalas kong naririnig dati na sana Forever Baby, Forever Bata na lang o sana Forever na nasa High School na lang daw." Seryosong sabi niya. "Kaya ang Forever parang salita na lang siya na pantukoy sa panandaliang emosyon para sa isang hindi permanenteng sitwasyon." Hinaplos niya ang mukha ko "Mas naniniwala ako sa nararamdaman ko sayo. Kung hanggang saan tayo dadalhin nito. At alam ko na hindi panandalian lang ito. At hindi magbabago"









Napangiti na lang ako. Hindi ko na din napigilan na hindi siya mabilis hagkan sa labi. Na ikinatigil niya.
Parang gulat na gulat siya na hinalikan ko siya? Siya lang naman ang bawal humalik. Ako pwede.












"Sa sobrang bilis ng halik mo hindi ko nahuli"






Nakangiting sabi niya. Nung medyo nakabawi na siya.







"Paano ba sanang panghuhuling gagawin mo?"









"Gusto ko sanang ipakita kaso bawal eh. Saka na siguro pag magpapahuli ka na talaga"









Depende daw kung magpapahuli na ako? Sabagay malapit na naman yun Mark Ethan.





_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon