98. Maraming Salamat

23 1 0
                                    

“Maraming Salamat”

Salamat sayo,
dahil nakilala ko kung sino ako.
Salamat dahil natuto ako,
salamat dahil naunawaan ko kung ano ba talaga tayo.

Lahat naman ay darating sa ganoong punto,
magmamahal at masasaktan, tayo.
Sapagkat ganoon sa larangan ng pag-ibig,
masusubok ang bawat iibig.

Kaya kailangan handa,
at hindi basta-basta nagpapadala.
Sapagkat ang pag-ibig ay misteryoso,
hindi mo alam kung siya ba sayo'y seryoso.

Kaya salamat,dating sinta.
Sapagkat sandali man ating pagkakakilala.
Nalaman ko na lahat ay hindi permanente,
at darating din sa punto na may maiiwan sa ere.

Kailangan talaga na maingat,
sapagkat mahirap kung sa tukso'y nagpakagat.
Mag-iiwan ng mga lamat,
at ito na ang resulta—
Salamat sa lahat.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon