50. Mag-isa

15 1 0
                                    

Mapag-isa

Ang tadhana ay mapaglaro,
akala mo kayo'y hanggang dulo
pero ang katotohanan walang kasiguraduhan
at walang hangganan.

Sa simula masaya,
ngunit habang tumatagal makikita mong ika'y naglalakbay sa kawalan - Ika'y tunay na mag-isa.
Lahat ng bagay may dahilan,
pero tama ba na lagi akong nasasaktan?

Sa bawat araw na lumilipas,
kasabay ng paghampas ng hangin na kay lakas
Isa lang naman akong simpleng babae,
naglalakbay sa kawalan at laging naiiwan sa ere.

Hindi sa lahat ng pagkakataon may taong makikiramay,
madalas nandiyan sila dahil para iparamdam ang panangdaliang saya na kanilang tinataglay.
Hahayaan nilang magsaya ka't magliwaliw
hanggang ika'y tuluyang mabaliw at sa huli ay bumitiw.

Sa mundong 'to dapat handa ka,
handa kang makipagsapalaran at mag-isa
hindi dahil kailangan, kundi para ika'y maging matatag
at huwag magpadala sa hamon na sa huli ika'y mabitag.

Sa pagmamahalan natin,
ako'y nanatili para sa atin.
Ngunit ikaw mismo ang sumuko,
dahil napagtanto mo na hindi tayo para sa isa't-isa at iba na iyong gusto.

Kaya ko naman mag-isa,
ngunit kailangan ko munang magpahinga
Ipahinga ang pusong nasugatan,
dahil sa taong mahal ko hindi ako pinanindigan at iningatan.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon