42. Ako

12 1 0
                                    

Ako

Ako na laging nandito para sayo,
Sayo lang ako tandaan mo.
Malayo man mahalaga'y may tayo,
Tayo na nanaisin kong may dulo
Dulo na alam kong ikaw lang yung kasama ko't mahal ko
Mahal ko, nandito lang ako
Ako na palaging magpapaalala ng totoong pagmamahal sayo.
Ako na kahit nasa malayo atleast laging suportado sayo.
Ako na nanatiling mahal ka at hindi magbabago,
ako na kahit nabaliwala't nasaktan ikaw lang ang nasa puso.
Ako na patuloy na magmamahal sayo.
Ako na mahal ka, 'yan lang naman ang huli at pinakapunto ko.
Ako na walang nanaisin kundi sana mabasa mo 'tong tula ko.
Ako lang ito, mahal na mahal ka giliw ko.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon