60.Nakaraan

13 1 0
                                    

Nakaraan

Mga alaala na pilit nagbabalik,
sa mga yapos at 'yong mga halik
nais ko man itong iwaglit
pero ikaw pa rin, ang hirap at ang sakit.

Nais ko ng kuwala sa kung anuman ating ugnayan,
matagal na iyon at nauwi na nga tayo sa hiwalayan
ayoko ng masaksihan pa at makita ang sariling nagdurusa
panay hikbi at nais na lamang ang mapag-isa.

Sana ito na ang huli,
huling pagpatak ng mga luhang ikaw ang dahilan, ayoko nang madali.
Sapat na sa'kin ang sayang naranasan ko noon,
ang mahalaga alala na lang lahat ng iyon.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now