25. Surpresa

17 1 0
                                    

Surpresa

Sa araw na nagdaan,
ikaw at ako'y naghanda sa isang okasyon-munting buwanan ng magkasintahan.

Milya man ating pagitan,
mahirap man pero nagkaisa't nagtulungan.
Naglaan ng oras at sa ating telepono ay nag-uusap muli,
at kakaibang ngiti sa aking labi ang muling nahahabi.

Hindi ko akalain na hahantong sa ganitong pagkakataon,
Nakakamangha dahil nabuo ating pag-ibig sa makabagong teknolohiya-si tadhana rin ang may layon.

Tumipa at nagbatian,
at si salitang mahal kita ang huli nating binitawan.
Buong gabi nag-usap,nagkuwentuhan at nauwi sa matamis na lambingan.

at ito'y puno ng pagmamahalan.
Surpresang hindi ko malilimutan,
hindi man magarbo pero pinaghandaan.
Simple batian at pagsinta mo ang mas inabangan.
at ito lamang ang aking kailangan.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon