79.Husga ng Tadhana

8 2 0
                                    

"Husga ng Tadhana"

Ang tadhana'y kakaiba,
tatangayin ka sa kasiyahan hangga't ika'y madala.
Ito na ba ang resulta?
Pagkatapos ng wagas kong pagsinta.

Bumuo tayó ng mga alala
pero ito'y mananatili na lang sa isipan,sinta.
Ngunit hindi ko maiwasan gunitain ito
dahil ikaw ang naging unang minahal ko.

Subalit kahit anong paghihimukmok ko,
wala na dahil iba na ang mundo mo.
Ako lang ang noon mo
pero hindi ang kasalukuyan at dulo.

Tatanggapin na lang ang naganap
hahayaan na lamang ang lahat at buong pusong paiiraling ang pagtanggap.
Ito ang pasya sa atin
kaya salamat dahil kakalimutan ko na rin.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now