69. Kaya ko na

21 1 0
                                    

"Kaya ko na"

Sa lahat ng naranasan
saya't lungkot at pighati—lahat 'yan aking napagdaanan.
Mga bagay na bumuo sa'king pagkatao
ito'y sa panahon na  lagi tayong nagtatalo.

Nabatid ko kung sino ako
at kung paano ko ubusin ang oras ko sayo.
Mga panahon na akala ko hindi ko kaya
isa palang pagkakamali—Kaya ko na wala ka.

Sa mga luhang sinayang ko dahil mahal kita,
at oo gusto na kasi kita makita
pero pinagkait mo dahil hindi ka pa handa
inunawa ko naman pero ako'y nadala't nagpakatanga— kakaiba ka!

Lahat pala'y may dahilan
parte sa buhay ang masaktan
at kahit nakakapanghina
pag-iyak sa Ama aking tanging nagawa— Kaya ko na!

Salamat sa mga aral,
dulot nito'y mga pangaral
nawala man aking dangal
dahil ako'y naging hangal— Sa pag-ibig mo'y nasakal.

Kaya ko na,sinta
kaya ko ng talikuran at kalimutan na MAHAL KITA.

KAYA KO NA.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now