28.Bulong

20 1 0
                                    

Bulong

Kakaibang tinig na naman ang lumitaw,
tila salita na naalala ko gaya ng iyong pagbitaw.
Sa pag-ibig natin na akala ko'y walang hanggan,
isang pagkakamali pala dahil nais mo na palang wakasan.

Nakakabingi ang iyong mga pinagsasabi,
ito'y nagiging dahilan para mawalan ako ng ngiti sa labi.
Nakakapanghina dahil nagaganap na,
Ang lahat ng mayroon tayo ay alaala na lang pala.

Tumindig ako at pumikit sandali,
pilit kong winawaglit ang lahat kahit hanggang sa huli.
Sa ating mga alaala na kay saya't tamis.
Ngunit ngayon ito'y bulong na lang ng nakaraan na dapat ng maalis.

Bulong ko sana'y iyong dinggin,
mahal kita 'yan ang huli kong katha na sana'y sa puso mo'y itabi—
Ikaw lang kasi ang lahat sa akin.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon