30. Tiwala Dapat

17 1 0
                                    

Tiwala Dapat

Sa relasyon dapat may pundasyon,
tiwala ating kailangan para matibay ating komunikasyon.

Ikaw at ako ang may ugnayan,
kaya't anuman ating gulo, tayo  dapat ang  mag-ayos at magtama nito—
Nasa atin ang kaayusan!

Anumang parte sa ating buhay dapat nagkakaisa,
magsabi ka para alam ko kung saan ako lulugar at hindi ako kailangan mangamba.— 'Yan kasi ang depinisyon ng mahal kita, nagkakaisa!

Malayo man o malapit tiwala lang dapat,
kahit anong mangyari kailangan tayo'y nagkakaunawa't tapat din para maging sapat.

Kamangmangan ay h'wag pairalin,
hindi ako iyong nakaraan para higpitan at sakalin.

Bigyang halaga ang kasalukuyan,
para matamasa natin ang totoong pagmamahalan na ikaw at ako ang sangkap—
Ito'y susi sa walang hanggan.

Sa lahat ng bagay dapat pagtuunan natin nang pansin,
para anuman ang mangyari walang sisihan 'yan ang nararapat nating gawin.

TIWALA LANG DAPAT,
para solido ang pagmamahalan natin at bawat kilos ay maging sapat.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Место, где живут истории. Откройте их для себя