49. Tayo pa ba?

14 2 0
                                    

Tayo pa ba?

Kakaibang pagsinta na iyong tinutugon,
umiiwas sa bawat aksyon ko, nakakadurog ng puso.

Hindi na gaya ng dati na masaya't masigla,
wala ng ngiti sa labi at iba na 'yong laging ikinukuwento.

Iba na ang mga mensahe mo,
iba na rin ang mga asta mo-nakakapanibago.

Ayaw mo na ba?
Sumusuko ka na ba?

Tayo pa ba?
Tanong ko na ikinatulala mo.
Tila kumawala ang batisang kong luha,
hindi ka makatingin dahil tama ako at ayaw mo na sa relasyon natin, dahil suko ka na.

Sandali tayong nag-usap,
kalamigan mo ang aking nalasap
sa yapos mo'y wala ng kasiglahan
at kahit pag-iingat ay hindi na maramdaman.

Nag-iba na nga,
akala ko tayo lang hanggang dulo
pero akala lang talaga
dahil ikaw na mismo ang tumuldok sa pagmamahalan nating dalawa.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now