74. Ayoko na, pakiusap

13 1 0
                                    

“Ayoko na, pakiusap”

Huminga ng malalim
at pinilit kumawala sa dilim
pilit kumalas sayong mga alaala
mga alaalang gumagapos pa rin sa akin,sinta.
Pakiusap, tumigil ka na.

Ayoko na,
ayoko ng manatili sa nakaraan
at ayoko ng dalhin ang pasanin sa kasalukuyan.
Pakiusap, lisanin mo na.

Kapag ako'y nag-iisa
puso'y nagwawawala
ikaw pa rin ang hanap,
bakit ba gusto kitang makausap?
Muli, pakiusap ika'y lumisan na.

Lumuluha na naman ako,
ikaw na naman ang dahilan nito.
Ano bang mayroon ka?
at hanggang ngayon ikaw pa rin ang paksa ng aking tula.
Pakiusap, tama na.

Ito na ang huli,  ayoko na!
Pipilitin kong kumawala
kahit na mahirap, hindi na muling magpapadala
at oo ayoko ng magpatala—
T A M A N A!

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now