13.Masayang Memorya

42 5 1
                                    

MASAYANG MEMORYA

Tayo ay magkasama
Tumambay sa paborito nating tambayan
Ikaw at ako'y bumuo nang mga alaala
Pinahalagahan at ating labis na iningatan.

Asaran, kwentuhan at bangayan
Laging ginagawa nang may saya
Nagkakaroon man nang 'di pagkakaintindihan
Sa pagkakaayos, tanging panunuyo lamang ang tanging isinasagawa.

Sa anumang hirap at sakuna
Nagkakaisa't nagtutulungan
Pagtitiwala ang  tanging pundasyon— ito ang ating matibay na bala
Upang ang relasyon ay tuluyang manatili sa walang hanggan.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt