29. Duda

20 1 0
                                    

Dudad

Sa ating relasyon lagi akong nagsasabi,
kahit pribado hindi ko na nilihim o tinatabi.
Lahat ng sa akin ay batid mo na,
ngunit ang akin sa iba ka pa rin naniniwala.
Ano bang kulang at nasa kanila ang panig mo?
Sino ba talaga ang mahal mo?

Nilatag ko lahat ng aking tunay na kasagutan,
kahit na pagmamatigas mo ang umiiral at ako'y hindi na kayang pahalagahan.
Nanatili akong kalmado dahil nasa tama ako,
ang hindi ko maunawaan parang bawat paliwanag ko, ako pa rin pala ang talo.
Gumising ka sa iyong akusasyon!
Tigilan mo ang padalos-dalos mong mga aksyon.

Sinta mo ako,
sa ating dalawa ikaw at ako ay kampi rito.
Ngunit, naging talangka iyong isipan
at dinala ka na nga sa iyong kalupitan.
Nawala na ang katotohanan,
inagaw mo na rin ang katarungan dahil sa mali mong paniniwala- Ikaw lang ba ang may karapatan?

Nanahimik na aking bibig,
sapagkat tila nawala sayo ating pagiging mag-kabig.
Maling galaw ko iba na iyong punto,
kaya hindi na'ko kikilos 'yan naman ang 'yong gusto.
Payo ko lang giliw, sa oras na ako'y tama,
aking wawakasan lahat ng iyong paratang—
Ayoko na maging tanga!


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now