66. Paghilom ng Sugat

27 1 0
                                    

"Paghilom ng Sugat"

Sa bawat pighating nadarama
Ikaw lahat ang tanging naalala
sa sakit na dinulot mo
lahat ng iyon ay puro aking pagkabigo.

Hindi malaman ang dulo,
tila sa lahat ng ating masasayang nabuo
nawala't naglaho
puro sakit ang nandito sa puso.

O'puso hanggang kailan ka patuloy na magdudugo?
Nais mo ba talaga akong makaramdam ng pagkalito?
Pagmamahal ko sayo lang talaga inalay
ngunit nasayang at nabaliwala sayong buhay.

Hayaan mo ito na ang huli,
at sa huling luhang papatak hindi na ikaw ang dahilan muli.
Pasya ko'y aayusin,
para naman hindi na ako masaktan ulit.

Panahon ay lilipas din
at sa huli  ako'y buo na rin.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now