92.Tunay na Pagtanggap

10 1 0
                                    

“Tunay na Pagtanggap”

Ang mundo'y masyadong nakakahubog,
tila sa bawat hakbang mo'y ika'y masusubok.
Sa ating dalawa ito'y limitado,
kaya ang dating tayo ay nauwi na sa pagtatapos ng kuwento.

Lahat naman ay nasusubukan,
ngunit may pagkakataon din na dapat ng sukuan.
Hindi dahil hindi na kaya,
kundi kailangan para maitama na.

Katotohanan ay laging tayong sinasampal,
at ito ang ating kagagawan dahil sa matinding sakalan.
Huwag na tayong umalma pa,
sapagkat pighati lamang ating madarama.

Tanggapin unti-unti,
at isipin na ito'y para sa atin.
Kapag mahal mo kailangan magsakripisyo,
ito kasi ang totoong depinisyon ng pag-ibig—Nagsasakripisyo!

Kaya ibabaon ko na lamang ito sa alapaap,
upang wala nang sakitan na maganap.
TANGGAPIN ANG TUNAY,
PANG-UNAWA'T PAGMAMAHAL ANG IAALAY.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now