44. Pagbabago Nating Dalawa

9 1 0
                                    

Pagbabago Nating Dalawa

Dating masaya,
ngayon ay iba na at parang walang alam
wala na ang dating pinagsamahan
nakalimutan na dahil nagbago na tayong dalawa.

Dating ikaw ang dahilan ng lahat ng ngiti,
tila ngayon isa ka sa rason ng aking mga sakit
mga hapdi at mga pagkakataon na gusto ko ng kumawala
kumawala sa sitwasyon nag-iiba na talaga.

Dating bumubuo ng pangako sa isa't-isa,
ngayon ay wala na at tila binura nang kahapon
wala na ang mga alaala nagmamarka sa ating dalawa
nag-iba na at nagbago na.

Nagbago na tayong dalawa,
ika'y nag-iba
at higit sa lahat unti-unti mo ng tinatapos ating istorya.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon