62.Walang Iba pero hindi na tayo

14 1 0
                                    

Walang Iba pero hindi na Tayo

Kailan lang masaya pa tayo,
puno ng memorya na tayong dalawa ang bumuo
naroon ang saya't lungkot
pero kakaibang pakiramdam ang dinudulot.

Tanda ko pa paano tayo maglambingan,
tipong nanaisin ko h'wag ng umikot pa ang takbo ng orasan
at hahangarin na palaging ganito
tipong ikaw at ako lang ang nagkukuwentuhan.

Subalit ang pagkakataon na ang nagpasya,
winakasan na ang ating saya
nakakapanghinayang pero kailangang tanggapin
kahit mahirap hanggang dito na lang talaga ang atin.

Akala ko magtatagal,
ngunit hindi rin pala magpapagal
lahat ay may wakas
at iyon ang istorya natin na alaala na lang lahat.

Walang iba
pero hindi na ako ang iyong mahal.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now