86. May simula pero ito ang wakas

8 1 0
                                    

“May Simula pero ito ang Wakas”

Puso natin ay naging malapit,
at ating damdamin ay nagkakaroon ng kakaibang kapit.
Ito'y parang IKAW at AKO.
Hanggang bumuo ng TAYÓ!

Sa simula'y masaya,
kahit may problema sinusubukang hindi madala.
Tayo'y nagpapasensiya sa isa't-isa,
nag-uunawaan kahit habang tumatagal nasusubok talaga.

Sumiklab ang tiwala,
hinaluan natin ng pagmamahal.
Kasabay ng mga paalala,
kumapit lang sana mahal.

Ngunit kahit anong gawa,
at ilahad aking mga salita.
Ito'y 'di tatalab sa relasyong nagkalamat,
sapagkat mauuwi sa mga salitang paulit-ulit na "Salamat".

Ako'y naniniwala,
sa mga pangakong ating binitawan.
Ito'y pawang salita lang talaga,
at matatapos din at magkakaroon ng totoong  katapusan.

Mayroon talagang simula
ngunit kapag hindi na masaya.
Maghanda na sa bagyong dala,
ika'y parang ulan na magdamag na  luluha, dahil ika'y iniwan at hindi na sa kanya mahalaga.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now