16. Pangakong Binitawan

45 3 1
                                    

PANGAKONG BINITAWAN

O' Mahal, naalala mo pa ba ating panimula?
ang panahon na tayo'y nagkakilala
Nagkakilala man dulot ng makabagong teknolohiya
ngunit dahilan para magtagpo at magkaisa.

Bumuo tayo ng mga alaala na batid kong ikaw at ako lang sa huli
Anuman ang mangyari pagmamahalan ay hindi mababali
Magkahawak-kamay sa tuwina
at sa matamis mong ngiti puso ko'y kakaiba ang nagiging dama.

Pinakawalan mo ang salitang "Mahal kita, hindi kita iiwan,"
kaya nandito ako sinta ginugunita bawat sandali -matamis nating pagmamahalan.
Kaya mahal, pangako mo'y aking panghahawakan
Anuman ang mangyari ikaw at ako lang magpakailanman.

Kaya't hiling ko'y aksyunan mo
hindi ipapako mo lang hanggang dulo, huwag kang loko!

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now