15. Lungkot ang Namayani

32 6 1
                                    

LUNGKOT AY NAMAYANI

Sa kabilang dako ika'y nakita
Naaninag iyong anino kalakip ang ibang dilag

Tama ba aking nakita, ikaw ba iyan sinta?
Lumapit nang kaunti, sino 'iyang bihag?

Pag-uusap ninyo kakaiba
Ikaw tila masaya at masyadong abala
Sino nga ba 'yang kasama mo, sinta?
Sigaw ng isip dahil may kasama kang linta.

Napakinggan ko inyong usapan
Tama ba aking napakinggan?
Sino ba siya aking sinta?
May ugnayan ba kayo, 'pagkat ako'y nagtataka.

Umuwing mag-isa
Hindi kinaya aking mga nasagap
Tumawag ka at sabi mo'y "Pasensiya ako'y abala, sinta."
Kasinungalingan mo'y tulad ng isda na mabaho kapag nalasap.

Pumasok sa aking kwarto, pangamba ang dala
Nilatag mong suliranin itong aking iniinda
Lungkot ay namayani, ikaw ang dahilan
Dama'y takot at selos paano nga ba iiwasan?


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon