38. Selos

12 1 0
                                    

Selos

Ito'y pakiramdam na ang hirap kontrolin,
matinding bangayan muna ang dadaan sa atin.
Hindi magkakaunaawan,
at paulit-ulit na magsisihan.

Ito'y nakakawala sa wisyo,
na tila hindi alam kung paano ipapahinto.
Tila mag-iisip pa ng dapat maging aksyon
upang tayo'y magkaintindihan at maging maayos ang ating komunikasyon.

Pangungunahan muna ng takot at pagdududa,
at higit sa lahat manghihingi ng kasagutan sa iba.
Tila kawalan ng respeto sa isa't isa ay makakalimutan,
maling paratang ang ipagbubunyi at sa huli ay magkakasakitan.

Alamin mo muna ang katotohanan,
bago ka magsabi ng kung ano at magparatang ng kasinungalingan.
Magpakalma at unawaan muna,
at huwag magpadala sa matinding akala
Ikaw lang ang mahuhulog sa iyong pag-aakala.

Siyasatin muna 'yong sarili,
bago ako kabilaang sampalin ng pananalita mong walang pasubali.
Ayoko lang maglamat itong relasyon,
dahil sa mga pag-iisip mo na wala naman talagang totoong layon.

Huwag pakiramdam ang laging mas pairalin,
pag-iisip ang mas dapat 'yong mas dinidiin.
Kat'wiran mo'y itama
at tamang akusasyon iyong isagawa.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now