47. Galit

11 1 0
                                    

Galit

Isang emosyon na nakakawala sa wisyo,
tila hahantong pa sa matinding bisyo
Puro sigawan at alitan,
bangayan at kung minsan nauuwi pa sa hiwalayan.

Pinakamatindi at mahirap kontrolin,
ika'y tatangayin at sisirain.
Kawalan ng modo ay ibubunyag,
hanggang sa magkasakitan at panay hinain ng sarili
ang ihahayag.

Ika'y makakaramdam ng matinding tensyon
kaya madalas buong madla naagaw mo ang atensyon
hindi batid na ika'y pinag-uusapan
dahil sa aksyon mong iba ang pagkakahulugan.

At sa huli pagsisi iyong madarama,
galit kasi iyong pinakawalan at hinayaan mong kung saan ka madala
kaya ngayon batid mo'y kahihiyan
at iniisip mo paano ito wawakasan.

Pagmamahalan natin ay nasira,
inisip mo kasi ang iba
kaysa ayusin ating gulo
kaya sana ika'y nadala at natuto.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now