75.Pagkabigong muli

10 2 0
                                    

"Pagkabigong muli"

Nagising nang maaga,
si haring araw kasi ang tindi ng sikat, ang lakas makatama.
Imahe mo'y biglang naalala
at pakiwari ko nasasabik akong ika'y makita, hindi 'to tama!

Sandaling napatigil,
hindi maunawaan aking damdamin, nakakagigil!
Ayoko man sanang mag-isip pa,
subalit sa bawat minutong nalipas, ikaw itong naalala.

Akala ko okay na ang lahat,
ngunit narito na naman ako'y nagiging salat.
Patuloy sa paghikbi at ikaw itong inaasam,
bakit? hindi naman na dapat pero ikaw pa  rin ang hanap.

Hayaan mo saglit lang ito,
lilipas din ang nadarama ko.
Masyado lang akong nangungulila
at sinusubukan na burahin ka sa aking isipan at puso, ito ang tama.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now