51.Kakaibang Damdamin

15 1 0
                                    

Kakaibang Damdamin

Narito na naman ako,
tulala't nalilito
Ikaw ang iniisip
kahit alam kong hindi na ako iyong iniibig.

Ang gulo ng paligid,
parang mga langaw na sa pagkain ko'y umaaligid.
Parang tayo, masaya noon
pero wala na ngayon.

Hindi ko maunawaan,
bakit kailan tayo'y magtagpo't magmahalan.
Ang lahat naman ay mauuwi sa hiwalayan,
hanggang sa mapagtanto ko na damdamin natin ay nakipagsapalaran at nasaktan.

Nakakapanghinayang lamang ang mayroon tayo,
diba nga ikaw at ako'y nagkaroon pa ng mga pangako
pagkatapos pinanghawakan pa nating dalawa
pero hanggang dito lang pala 'yun dahil ikaw mismo ang kumawala.

Batisan luha na lamang ang naging tugon,
tila ito na lang ang paraan para ko sayo upang wakasan ang pagsintang layon.
Ayoko ng maramdaman pa,
'Yong magmahal ng sobra tapos mababaliwala't iiwan mo lang pala.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon