39. Kasakiman

28 1 0
                                    

Kasakiman

Pagsasawalang-kibo iyong pinapakita't pinapadama
tila natitiis mong tayo'y hindi mag-usap at nakakakaya mo akong mabaliwala.
Dahil sayong maling pagkakaunawa
dinadala ka na naman ng mali mong pananaw at akala.

Akala mo ba tama?
Akala mo masaya?
Akala mo kaya kong manatili sa ganitong sistema?
HINDI! tila mukha akong tanga na sayo'y nakikiusap na sana'y alamin muna sana.

Huminahon ka, 'yan aking pakiusap,
damahin muna aking pagpapaliwanag at sana'y lathala ko'y malasap.
Pairalin mo ang pagsintang tunay,
hindi maling paniniwala at akusasyon na sayo'y naglalakbay.

Umunawa ang isa,
hindi sabay tayong mag-iimok—Kaguluhan nga'y mamagitan sa ating dalawa.
H'wag kang padala sa nadarama mo,
alamin muna't ayusin natin— Ikaw at ako ang tatapos ng gulong 'to.

Huwag kang sakim,
'wag kang maging makasarili
maging mapagmahal  dapat sa isa't isa.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now